Advertisers
MAGKAKANO na ba ang isang delatang sardinas ngayon? Depende sa sardinas iyan pero simula nang tumaas ang presyo o SRP nito nitong nakaraang linggo makaraang aprubahan ng Department of Trade and Industry(DTI),kung hindi ko nagkakamali ang pinakamurang sardinas ngayon ay P19.00 hanggang P20.00.
Ganoon ba? Well and good dahil maysukli pa ang isang manggawa na pangbili niya ng misua. Masarap yata iyan, sardinas con misua.
Oo, may sukli pang P13.00 ang isang manggagawa sa dagdag na suweldo niyang P33.00 kada araw sa kanyang minimum wage na kamakailan lamang ay inaprubahan ng Regional Tripartite wages and Productivity Boards (RTWPB).
Ops,linawin natin ha, hindi po nationwide ang dagdag P33.00 kung hindi para laman ito sa mga manggagawa sa Metro Manila. Bale magiging P570 na ang minimum wage sa oras na maimplementa makaraang ang 16-araw na mailathala ito sa mga pahayagan.
E ba’t ganoon? Paano naman ang mga manggagawa sa mga probinsiya, hindi ba tumaas ang SRP ng mga sardinas o ibang delata sa kani-kanilang lalawigan? Katunayan ay mas mahal pa ang bilihin sa lalawigan kaysa Metro Manila dahil ang mga produktong delata o ang produktong nakasama sa price increase ay nanggagaling pa sa Metro Manila. Narito kasi ang karamihan sa malalaking pagawaan ng iba’t ibang delata.
Mas nagiging mahal ang mga delata sa probinsiya dahil sa ibinibiyahe pa ito – mulang Metro Manila ay idinadagdag sa presyo ang krudo. E magkakano na ang mga produktong petrolyo ngayon?
Kawawang mga manggagawa sa mga probinsiya, parating kinakalimutan o kinakawawa ng gobyerno. Kaya hindi na nakapagtataka kung marami ang sinasabing nakikipagsapalaran sa Metro Manila pero kung sana’y ikonsidera ng pamahalaan lalo na ang mga taga RTWPB ang totoong situwasyon ng mga manggagawang probinsiya ay hindi na makikipagsaparalan anng marami sa Kamaynilaan n inakala’y isang paraiso.
Ipagpalagay natin na isinabay na rin ang dagdag na P13.00 sa mga manggagawa probinsiya, sapat pa rin ba ang hakbanging ito? Malinaw na hindi pa rin, isa pa ring panloloko ito sa mga manggagawang probinsiya dahil ang nararapat ay pantay-pantay ang minimum wage – maprobinsiya man o mapa-Metro Manila. Tulad ng una natin nabanggit, mas mahal pa ang bilihin sa probinsiya kaysa sa Metro Manila maliban siguro sa ilang gulay o produktong agrikultura.
Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi ikinatutuwa ng mga manggagawa ang dagdag P33.00. Aba’y sino naman naman ang matutuwa sa P13.00 na ito? Wala, lalo na sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon. Kahit nga isang. delatang corned beef para medyo masarap-sarap naman at hindi parating sardinas ay hindi nakabibili ang P33.00. Meron siguro pero iyong pinakamaliit na corned beef 25 grams. E ang tanong, magkakasya ba ang isang 25 grams na corned beef sa isang pamilya? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na karamihan bilang ng mieyembro ng isang pamilyan Pinoy ay bnubuo ng lima katao. So, paano magkakasya nga naman ang 25 gramong pinaka-ordinaryong corned beef.
Nawa’y magising sa katotohanan ang pamahalaan – mabuti pa silang mga nakaupo sa trono lalo na ang mga magnanakaw (karramihan pa naman sa kanila) – ang lahat na bilihin nila o maging ang pamamasyal ng pamilya ay naka-charge sa opisina.
Kulang ang P33.00 na dagdag sa minimum wage, at sana’y huwag lang samga manggagawang Metro Manila ipadama ito at sa halip ay nationwide bukod sa gawin patas ang lahat – kung ano ang minimum sa Metro Manila, nararapat na ganoon din sa probinsiya.
Tandaan, kahit siguro ordinardyong corned beef ay hindi nakabibili P33.00.