Advertisers
ANG ugat ng kasabihang “Manners maketh a man” o, sa Tagalog, “Ang asal ang gumagawa sa tao” ay nagsimula sa panulat ni William Horman (1440-1535) isang punong-guro sa Eton sa Inglatera noong ika-labing-limang siglo. Isa ang asal sa nagpapakilala sa ugali ng isang tao. Totoo ito nung panahon ng mga Tudors ni William Horman, at totoo ito sa kasalukuyan. Ito ang nagisnan natin sa nakaraang halalan; ang pagkaiba ng reaksyon ng bawat tao, manalo man o matalo ang pinupusuang manok. Malimit akong magkape sa isang tindahan ng donut sa mall malapit sa akin. Kahit hindi ko kinahiligan ang donut masarap at mabango ang kapeng inilalako nila. Dito labas-pasok ang mga parokyano, tangan ang kanilang mga anak, at nakabuslong bilihin. Kadalasan, mga nag-oopisina. Meron din mga grupo ng masasabi nating mga “politically motivated.” Sila ang mga umuupo sa magkabilang bakod ng pulitika. Ngunit matapos ang halalan, sila ngayon ay matatawag na pangkat ng Panalo at Talo. Madaling makilala ang bawat isa. Ang grupo ng Panalo, masaya, maiingay. Para bang nasa kalagitnaan ng piyesta, at lango sa paborito nilang “agua de pataranta.” Pinag-uusapan ang kanilang plano na nakatali sa panalo ng kanilang ganador, sa tinig na maririnig sa kabilang kanto sa labas ng mall. Samantala, ang lupon naman nga Talo, ayun, mga tahimik, mababa ang tinig, habang kumakain ng donut. Pero nababatid, sa mga mata nila, ang kasiyahan at kapayapaan ng isip. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Malaking bagay ang pagtanggap ng kabiguan ng matatag ang kalooban at may “sense of maturity”, na hindi magmamaktol, o sa panig ng panalo, hindi magyayabang. Habang sinusulat ko ito, napaisip ako at natatawa, dahil naisip ko ang kalalagayan ng dalawa. Ang Panalo, mamanahin niya ang lahat ng problemang iiwan ng nakaraang administrasyon. Sa totoo lang hindi ko ito kinaiingitan. Batid ito ng karamihan ng pumusta sa natalong manok ay gumaan ang loob dahil hindi mamanahin ng manok nila ang problemang iiwan ng paalis na pangulo. Dito ko napagtanto ang pagkakaiba. Wari ko ganoon din ang pakiramdam ng manok na Talo. Dito sa nakaraang sabong walang manok na tinitinola. Bata pa ang ganador na natalo, at marami pang sabong at tupada. Heto po ang aking munting sapantaha. Kasihan nawa kayo ng Poong Kabunian.
***
Sa nagaganap na poll protest laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa Korte Suprema, maliwanag at may bigat ang paratang ng mga petitioners laban sa pinanalong kandidato at maaaring mawalang-saysay ang pagkapanalo sa kanya. Pero dalawang scenario ang nakikita ko. Kapag nakatigan ng Korte Suprema ang protesta bago ang Hunyo 30, ang maluluklok ay ang katunggali sa pagpangulo na tumamao ng pangalawang pinakamaraming boto. Pero kapag ito ay nakatigan pagkatapos ng Hunyo 30, araw ng panunumpa ng nanalo, ang maluluklok ay ang hinirang niyang bise-presidente. Huwag na nating pansinin ang utot ng bunganga ng mga katulad ni Tito Sotto na sinasabing magkakaroon ng “constitutional crisis” kapag kinatigan ng Kataastaasang Hukuman ang DQ ni Bonget. Dahil kung susunduin ang batas, malamang pa sa malamang na mangyayari ito. Ayon kay George Garcia, ang bagong talaga ni Pangulong Duterte na commissioner ng Comelec:
“Akala siguro ng kandidato kahit nanalo na hindi namin sila hahabulin. Hahabulin po namin ang lahat ng mga may issue ng vote-buying. Lahat ng may reklamo sa amin. We can always remove them. Kaya namin kayong tanggalinkahit governor or mayor tatanggalinnamin kayo simply because you violated the election laws…” Pero dahil nga, sa nakaraang sabong, wari ng marami, nabili ng pato ang sabungan, at walang binanggit ang butihing Comelec Commissioner kung saklaw ng batas ang presumidong panalo sa pagka-pangulo at bise-pangulo, malamang din sa malamang na pilit matatabunan ito. ‘Eka ng kaibigan natin si Macàrio Sacay: “3 na ang uri ng mga alipin; aliping namamahay, aliping sagigilid at ang bago ay aliping hinahakot…” . At para sa mga nagsipaghulog ng balota, kumbaga sa isang disposable razor, tapos na ang pakinabang ng nagsipag-wagi sa atin.
***
Mga Nasapot Sa Lambat:
“It is not titles that honor men but men that honor titles…” -NICHOLO MACHIAVELLI
“Moving forward doesn’t mean erasing our history. Recognizing the wrongs of the past and demanding accountability doesn’t mean you are against a united country. A stronger democracy and better governanceis only possible with TRUTH. HUWAG PO NATIN BURAHIN ANG KASAYSAYAN… ”
“VOX POPULI VOX DEI is not in the Bible… BARRABAS, BARRABAS is… “They set up kings, but not by ME! They made princes but I did not acknowledge them. (Hosea 8:4a) Stop na po natin ang pagsasabi na ang lahat ng hinalal ay choice ni God…”- MEILOU SERRENO
“Boy I am glad Leni lost! A hostile, dishonesty-worshipper in Sara, a Duterte-appointee laden Supreme Court, a Dutertecult-like Senate, aGM lapdog-ladenCongress, rabid BBM fans, governors and mayors; a desensitized population… Boy, I am glad Leni lost… “- ROB OCAMPO
***
Joke Time:
Nanay: “BAKIT KA UMUWI?…”
Anak: “NAY, TAPOS NA ANG BILANGAN! BIRO NIYO, 67 MILLION VOTERS SA 412,876 NA PRESINTO, SA 41,983 BARANGAY, SA 2,000 INHABITED ISLANDS, NABILANG WALA PANG 8HOURS, SA BANSANG PINAKAMABAGAL ANG INTERNET SA BUONG ASIYA!!!…”
“The biggest joke on mankind is that computers have started asking humans to prove they aren’t robots…”
“Oo hindi LAWYER si Robin Padilla… Pero JUDGE siya sa Pinoy Got Talent… ”
Dear madam,
Thank you for your recent order from our sex shop.
You asked for the large red vibrator on out wall display.
Please select another item because that is our fire extinguisher
***
mackoyv@gmail.com