Advertisers

Advertisers

Jillian type sundan ang yapak ni Marian; Piolo nauna pa ang show sa TV5 kaysa Dos

0 232

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MATAGAL nang nasa taping stages ang seryeng gagawin ni Piolo Pascual na tumatayong comebacking series ni Papa P at katambal ang Kapuso turned Kapamilya actress na si Lovi Poe, ang “Flower of Evil” na ngayon ay muling nag-taping starting from the top again sanhi ng pagkakasangkot sa isang kontrobersiya ng dating nasa cast na si Kit Thompson.
Pero ang catch ay tila mas maagap ang TV 5 kaysa sa masipag na Kapamilya Network dahil sa naunahan pa ng TV 5 ang huli sa pagpapalabas ng masasabing comeback serye ni Papa P.
Ongoing na kasi ang anthology series ni Papa P sa Kapatid Network na may pamagat na “Dear God” kasama sina Kris Bernal, Lara Quigaman, Sue Ramirez, Agot Isidro, Vina Morales, Riva Quenery, Ketchup Eusebio at sa direksyon ni Richard Arellano, who used to be with ABS-CBN directing teleseryes like “La Luna Sangre” and “House Arrest of Us”.
Sa unang episode ay makakasama ni Papa P sina Lara Quigaman and teen star Harvey Bautista, son of former OC Mayor Herbert Bautista and Tates Gana. Piolo will play the role of Dr. Jake, isang kilalang doktor na nakakapagligtas ng maraming buhay pero nahihirapan naman magamot ang sariling anak sa malubha nitong karamdaman.
The situation will help him re-assess his relationship with the Lord and strengthen his faith to offer himself and his services as a physician to God.
***
SA pagtatapos ng “Prima Donnas 2” ay kapansin-pansin bukod tanging si Jillian Ward lang ang hindi nabigyan ng Sparkle ng ka-loveteam at laging may mga production number sa “All Out Sunday” ang mga patuloy sa pa-tweetum image na sina Sofia Pablo at Althea Ablan, ganundin si Elijah Alejo.
Ano naman kaya ang ganap kay Jillian after PD2? Sa pinakahuling tsika sa dating Trudis Liit ay may sarili na itong project na gagawin, as in malaking proyekto ng GMA-7 na ang magbibida ay si Jillian. Ngayong buwan ng Hunyo sisimulan ang lock-in taping. Hindi muna nagsalita si Jillian kung ano ang naturang big project sa kanya ng GMA-7 pero tsika naman ng mga taong nakapaligid sa young actress, ibang Jillian Ward na raw ang mapapanood ng kanyang mga followers.
At nang matanong si Jillian kung sino sa mga Kapuso queens ang nais niyang sundan ang yapak.
“Ako po talaga idol na idol ko po si ate Marian Rivera since five-years-old po ako.
“Ang ganda po and siyempre lahat po ng mga iconic roles na mga babae nagawa niya na po. And bilang role model din po sa personal life niya. Sa family life niya, naaalagaan niya ‘yung kids niya,” say ni Jillian.