Advertisers

Advertisers

Heart puro letter ‘J’ ang mga naugnay sa buhay-pag-ibig

0 316

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DALAWA ang naging dyowaers ni Heart Evangelista sa showbiz, sina Jericho Rosales at John Prats.
Ang dalawa ay pareho nang may asawa, si Echo si Kim Jones at si John ay si Isabel Oli.
Inamin naman ni Heart na ang kanyang mga one night stand ay naging dyowa nito na kanya pang ipinagwagwagan.
Pero may tsika na tila si John Lloyd Cruz ay nanligaw din sa aktres dati ayon sa kudahan sa isang socmed platform.
May balita rin na tila nanligaw din kay Heart si John Estrada nung mga bata pa sila.
Na-curiuos ang mga netizen na tila puro letter J ang mga namesung ng na-link sa buhay ni Heart.
At ang nakakaloka pang rebelasyon ng showbiz socmed platfotm ay may koment ng crying scenes si Heart.
Kinukulit naman ng mga kasamahan kung ano nga bang crying scene na ‘yun sa buhay ni Heart.
Kaso nag say goodbye na sa kanilang showniz digital show ang main host at tila pabitin pang kailangan subaybayan sa kanilang showbiz socmed platform kung ano nga bang crying time scene na ‘yun sa buhay ni Heart.
May pabitin pa ang vaklushing host huh!?
***
Vice, kinunpirmang may gagawin show pero di lilipat sa Kapuso
MATUNOG ngayon ang napipinto raw paglipat ni Vice Ganda sa Kapuso network nang minsang mamataan ito na kausap ang isang direktor ng GMA-7.
Ang tinutukoy na direktor ay ang direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy Together na si Bobot Mortiz.
Naispatan naman kasing kausap daw ito ni Vice.
Ayon sa malapit kay Vice na dati nitong manager na si Mama Ogs, ayon din sa mga nasagap nito kung bakit nakitang magkausap sina Direk Bobot at Vice.
May gagawin pala silang show abroad at di lilipat pagdididiin pa ng kaibigan at dating manager ni Vice.
Kaya napaisip na naman ang mga naguguluhan kaya ba wala pa raw bagong pinipirmahang kontrata si Vice sa kanyang home network.
Iaanunsiyo naman daw nito if ever lilipat na ito sa ibang himpilan kung sakali at mismong sa It’s Showtime pa niya ito sasabihin pero wala pa naman daw announcement kaya isang malaking Maritess lang daw ang tsikang paglipat ni Vice sa GMA-7.
Well, well, well…’Yun na!