Advertisers
ISANG nagpapakilalang guro ang nag-text sa akin hinggil sa kanilang problema sa isang bfranck ng bangko, Land Bank of the Philippines, sa Tawi Tawi.
Narito ang kanyang sumbong:
“Isa po akong public school teacher dito sa Bongao Tawi tawi. May naoobserba po kaming anomalyang nangyayari dito sa Landbank Tawi tawi na siyang dinadaanan ng recievables po namin. Marami po sa amin ang nakakaranas ng ganito sa buwan na ito ng May. Halimbawa na ang remaining balance po namin sa ATM account na P30K ay naging P29K nalang, at ang net take home pay na P8K ay naging P7K nalang po. Pls help us. kailangan siguro i-reshuffle po ang LBP staff dito sa Bongao, Tawi2. – 09770484…
Paging LBP Tawi Tawi branch manager: Paki-inbestiga lang ang sumbong na ito ng titser. Aksyon!
***
Maaring maiproklama na ngayon ng Kongreso sina presumptives President “Bongbong” Marcos at Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Oo! Kapag natapos ngayon ng Kongreso ang pagbibilang sa election returns na sinimulan nila kahapon, posibleng maideklara na ngayon sina BBM at Inday bilang mga nanalong pangulo at ikalawang pangulo ng nakaraang local/national elections.
Ito’y sa kabila ng nakasampang petition laban sa kandidatura ni BBM sa Korte Suprema.
Mandato ng Kongreso na iproklama ang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo bago matapos ang termino ni Pangulong Rody Duterte sa Hunyo 30, 2022.
Anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case ni BBM, abangan nalang natin. Okey?
***
Pinangalanan na ni BBM ang miyembro ng kanyang gabinete para sa mahahalagang posisyon. Ito’y sina Arsenio Balisacan para sa National Economic and Development Authority (NEDA) kapalit ni Karl Chua, Bienvenido Laguesma para sa Department of Labor, “Toots” Ople para Department of Migrant Workers, Crispin “Boying” Remulla para sa Department of Justice, at Vic Rodriguez para Executive Secretary.
Si Balisacan ay dati nang nanungkulan sa NEDA noong panahon ni late PNoy, habang si Laguesma ay dati naring DoLE Secretary sa panahon ni Erap Estrada, at si Ople ay dating Labor Usec noong time ni ex-Pres. Gloria M. Arroyo.
Nauna nang pinangalanan ni BBM sa kanyang gabinete sina Benhur Abalos para sa DILG, at VP Sara para DepEd.
Si Remulla ay kaalyado ni BBM, at si Rodriguez ay dating spokesman/chief of staff ng batang Marcos.
Inaasahan na bago magsimula ang kanyang termino sa Hulyo 1 ay makukumpleto ni BBM ang kanyang gabinete.
Subaybayan!
***
Isa sa mga naging karanasan ko sa pagtakbo sa provincial level sa nakaraang eleksyon ay nalaman kong hindi mo na pala kailangan maglatag ng anumang plataporma de gobierno, at ‘di mo narin kailangan pang gumastos at magpagod sa pangangampanya.
Oo! Simple lang pala ang dapat gawin para manalo: Kumuha ka lang ng trusted men na kikilos sa “last hours”. Dito mo pakawalan ang iyong pondo para sa bilang ng boto na kailangan mo para manalo. If you need 100K votes to win, pakawalan mo ang budget para rito. Sure win ka!
Yan na ang eleksyon sa lokal, bilihan na ng boto!