Advertisers

Advertisers

Inagurasyon ng Marawi Convention Center at Sarimanok Sports Complex sa Marawi, pinuri ni Sen. Go

0 212

Advertisers

Ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang mainit na pagbati sa matagumpay na pagpapasinaya ng Marawi Convention Center at Sarimanok Sports Complex sa Marawi City noong Biyernes, Mayo 20.

Sa kanyang video message, binanggit ni Go, bilang chair ng Senate committee on sports, na ang pagkumpleto ng sports and recreational facility ay isa lamang sa mga paraan ng gobyerno para pagsama-samahin ang mga Maranao sa pamamagitan ng sports engagement, kung isasaalang-alang ang mga hamon na dala ng Marawi siege.

“Bukod sa paggamit nito sa sports at recreational, ang mga pasilidad na ito ay magsisilbi ring paalala ng likas na lakas at katatagan ng ating mga kapatid na Maranao,” ani Go.



Ang apat na ektaryang Sarimanok Sports Stadium ay may 3,700-seating-capacity at inaasahang magsisilbing venue para sa pagdaraos ng iba’t ibang sports activities. Kabilang dito ang track and field, football field, basketball court, volleyball court, tennis court, indoor badminton court, shower, locker area, at mga opisina.

Samantala, ang isang ektaryang Marawi Convention Center ay isang auditorium na kayang tumanggap ng 1,000 bisita. Mayroon din itong 1,500-square-meter exhibit area na kayang maglaman ng 120 hanggang 150 booths, at parking area na may 170 car slots. Ang sentro ay maaaring gamitin para sa mga panloob na aktibidad, pagpupulong, at mga symposium, bukod sa iba pa.



Ang pamahalaan ay naglaan ng humigit-kumulang P400 milyon para sa nasabing mga proyekto at nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management – ??Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (NDRRM-MRRRP).

Pinasalamatan ng senador ang lahat ng pagsisikap ng mga ahensya, partikular ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) at National Housing Authority (NHA), na nagsiguro sa tuluy-tuloy na rehabilitasyon ng lungsod.



“Gusto ko ring kunin ang pagkakataong ito para ipahayag ang aking lubos na pasasalamat sa lahat ng walang pagod at masigasig na nagtrabaho upang matiyak na maibabalik sa mga mamamayan ng Marawi ang nawala sa kanila,” pahayag ni Go.

“Sa mga kapwa kong kawani ng gobyerno mula sa iba’t ibang ahensya, mga kasamahan ko sa Senado, mga NGO, at lahat ng tumulong at nagdasal para sa kaligtasan ng marawi, maraming salamat sa inyo.” patuloy niya.

Higit dito, tiniyak ng senador sa mga Maranao na nananatiling matatag ang gobyerno sa pagbibigay ng kinakailangang suporta upang matiyak ang mabilis na pagbangon ng lungsod. Muli niyang iginiit na patuloy nilang isusulong ang rehabilitasyon at rekonstruksyon ng Marawi City.