Advertisers

Advertisers

Isko, pinasalamatan ng deaf community sa kanilang hanapbuhay

0 206

Advertisers

“Hindi hadlang ang edad at pisikal na kalagayan upang muling makapag-hanapbuhay.”

Ito ang pagdidiin ni Manila Mayor Isko Moreno habang tangan niya ang isang liham mula sa deaf community ng lungsod na nagsasaad ng pasasalamat sa pagkakaroon ng kanilang miyembro ng hanapbuhay na mula sa pamahalaang lungsod.

Sa nasabing liham na nilagdaan ng mga nagkaroon ng trabaho, ay pinuri nila si Moreno sa pagbibigay sa kanila at sa mga persons with disability (PWDs) at sa mga senior citizens ng pagkakataon na makapaghanapbuhay.



Sa pamamagitan ng programang pinamamahalaan ng Manila public employment service office (PESO) sa ilalim ni Fernan Bermejo, sinabi nila na hindi na sila ngayon pabigat sa kanilang mga pamilya at naibabahagi pa nila ang kanilang tinatamasang biyaya.

Binanggit pa ng mga ito ang pagkakataon na kung saan ay ilang beses silang tinanggihan kapag nag-a-apply sila ng trabaho dahil sa kanilang kapansanan.



“Ang programang trabaho para sa senior citizens at PWDs ay ginaya natin sa mauunlad na bansa tulad ng Singapore, Japan at Amerika,” sabi ni Moreno.

Sa simula pa lamang ay pantay na opurtunidad na para sa lahat ang pinaiiral ni Moreno sa lungsod maging anuman ang iyong katayuan sa buhay, kasarian, may kapansanan o wala. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">