Advertisers

Advertisers

Babaeng municipal welfare officer itinumba

0 305

Advertisers

VIRAC, Catanduanes – Dead-on-the spot sa loob ng minamaneho nitong sasakyan ang isang kawani ng munisipyo nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Oceanview Subdivision, Barangay San Isidro Village ng bayang ito, Martes ng hapon.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Carmel A. Eubra, dalaga, nakatalaga sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Viga at residente ng naturang lugar dahil sa tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat, 5:30 ng hapon, minamaneho ni Eubra ang kanyang Mitsubishi Expander (EAD-3661) at papasok na sa kanilang subdivision nang sumulpot ang riding in tandem at agad pinagbabaril ang sasakyan ng biktima. Tinamaan ng mga bala ang biktima na namatay noon din. Mabilis na tumakas ang mga salarin.



Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ng pulisya sa krimen.