Advertisers

Advertisers

Traffic enforcer patay sa sarap sa loob ng motel

0 421

Advertisers

Patay ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang atakehin sa puso habang kasama ang 13 anyos na babae sa loob ng motel sa Tondo.

Hindi na humihinga nang maabutan ng isang hotel staff at rumespondeng pulis ang biktimang si Robert Sarcos, 46 anyos, may-asawa at residente ng Inocencio Street, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Station 2, huling nakitang buhay ang biktima nang mag-check in sa Meaco Hotel sa kanto ng Antonio Rivera at Tayuman Streets kasama ang dalagita na umano’y isang estudyate at residente rin ng Tondo.



Dakong 12:20 ng madaling araw noong Linggo, nagpasaklolo ang dalagita sa hotel desk staff, subali’t pagdating sa kuwarto, hindi na humihinga ang biktima kaya agad itong ini-report sa pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">