Advertisers

Advertisers

Kudos to PNP Region 1 Director Police Brigadier General Westrimundo Obinque

0 804

Advertisers

ISA si Police Brigadier General Westrimundo Obinque sa mga miyembro ng PMA Tanglaw-Diwa Class of 1992 na namumuno ngayon sa PNP regional commands ng ating bansa.

Nakakatuwang makita na pinagkakatiwalaan talaga ni General Vicente Danao ang mga miyembro ng PMA Class of 1992.

Marso ng taong ito naitalaga si Obinque bilang hepe ng PNP Region 1 na nakakasakop sa apat na lalawigan ng Ilocos region na kinabibilangan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.



Dating nakatalaga si Obinque sa Office of the Chief PNP sa Kampo Crame prior to his appointment as PRO1 Director.

Pinatunayan ni Obinque na puwedeng maging non-partisan ang kapulisan nitong nagdaang May 9, 2022 elections kung saan naging maayos at mapayapa ang nagdaang halalan kumpara sa mga nagdaang mga eleksyon ng mga nagdaang panahon.



Nakasentro sa “internal cleasing” ang liderato ni General Obinque na may layong linisin ang sariling nilang hanay upang maibalik ang malinis na imahe ng kapulisan sang-ayon sa polisiya ni acting Chief PNP General Vic Danao.

Ayon kay Obinque, regular ang pakikipag-ugnayan nito sa kanyang apat (4) na provincial directors masiguro lamang ang maayos na paglilingkod ng mga miyembro ng PNP sa mamamayan.



Tuloy din ang pinaigting ng kampanya ng kanyang command laban sa kriminalidad at anti-illegal drugs.

So far, marami na sa mga dating sindikatong naglulungga sa Region 1 ang nagsilayasan na sa nasabing lugar dahil na rin sa intensified campaign ng naturang regional police command laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Maayos din ang releasyon ng PNP Regional Command 1 sa mga local executives ng nasabing lugar upang mapaigting pa ang koordinasyon ng lahat ng stakeholders sa pagmimintine ng kaayusan at kapayapaan.

Ang Ilocos region ay isa sa pinakamaunlad na pamayanan sa Hilagang Luzon na umaabot ng mahigit sa limang (5) milyon ang populasyon.

Dahil na rin sa laki ng populasyon nito at land area, alam ni Gen. Obinque na di kakayanin ng limitadong bilang ng kanyang mga kapulisan ang pangangalaga sa nasabing rehiyon kung kayat ginamit niya at inorganisa ang mga tinaguriang “force multipliers” na kaagapay ng PNP sa pagmimintina ng peace and order situation ng kanyang command gaya ng mga barangay at local government units (LGUs).

Pinapurihan din ni Gen. Obinque ang mga local government officials sa pakikipagtulungan nito sa kapulisan on a 24/7 basis.

Kung ganito katatag ang partnership ng kapulisan sa mga local executives, naniniwala si Gen. Obinque na higit nilang mapaglilingkuran at mapo-proteksyonan ang seguridad ng mamamayan laban sa masasamang elemento.

Isa ang Ilocos region (PRO1) sa may pinakamababang crime rate sa mga rehiyon ng bansa partikular na sa “crimes against persons at crimes against properties”.

“Kung mapapanatili natin ito sa pagtutulungan ng lahat ng stakeholders, mas lalo pang uunlad ang Ilocos Region”, paniniyak pa ni Gen.Obinque.

Rest assured that Iloconos appreciate your every moves general.

Keep it up sir and more power!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com