Advertisers
MGA tagahanga ni Misfit Sara: huwag umaasa na makakalusot ang diyosa sa impeachment trial sa Senate Impeachment Court (SIC). Salat ni BBM ang daloy ng kasaysayan at hindi hahantong sa yugtong ito ang laro kung hindi sigurado si BBM na tapos ang political career ni Misfit. Kaya sa hinaba-haba ng prusisyon, tuluyang matitinik ng malalim si Misfit.
Hindi palalampasin ni BBM ang pagkakataon upang gapiin ang palalo, mapagmalabis, at sagad sa buto sa kayabangan at kamangmangan na si Misfit Sara. Bistado ang kahinaan ni Misfit Sara sa pera at inaasahan na gagamitin ito ni BBM ang kapangyarihan ng panguluhan upang tuluyan siyang bumagsak sa poder.
Batid namin na may 16 o higit pa sa mga senador na boboto ng “guilty” si Misfit sa mga paratang sa kanya. Dahil guilty, aalisin siya bilang pangalawang pangulo at hindi na makakatakbo sa alinmang halalan ng bansa. Hindi diyan magwawakas ang kapalaran ni Misfit Sara, inaasahan namin na sasampahan siya ng mga criminal charges.
Tuluyang pipilayin ang anumang political machinery mayroon ang Inferior Davao sindikatong kriminal. Hindi sila makakagalaw at maglalaho kahit ang mga mga ninakaw nila na salapi ng bayan. Hindi sila bibigyan ng pagkakataon na makabangon at muling impluwensyahan ang Filipinas. Kahit si Gongdi na nakakulong sa Olanda ay hahayaan na lang mabulok sa bilangguan. Hindi rin siya makakabalik sa bansa.
Huwag umasa na mahahabag si BBM sa kanila. Malalim ang galit ni BBM sa mga Duterte at hindi basta mahihilot o mapawi ang matinding galit ni BBM sa kanila. Kung marunong bumasa ang pamilya ni Misfit, nakipag-alyansa na si BBM sa ibang puwersang pulitikal maliban sa grupong Inferior Davao.
Walang pormal na koalisyon si BBM sa mga grupong demokratiko at iba pa pero malinaw na inihiwalay ni BBM ang Inferior Davao at ang mga pulitiko na sumusuporta sa kanila tulad ng magkapatid na Cawatano. Sa isang iglap, ibabagsak ni BBM ang pamatay na ulos na hindi masasalag ng Inferior Davao at tapos sila.
***
TAMA ang Prosecution Panel na hindi paharapin si Col. Raymond Dante Lachica sa SIC (Senate Impeachment Court) bilang testigo kahit nagprisinta si Lachica sa mga tagausig na handa siya na magsabi kung ano ang naging kapalaran ng P612.5 milyon na confidential fund ni Misfit Sara. Hindi kailangan ang testimonya ni Lachica upang patunayan na dinambong ni Misfit ang salapi ng bayan.
Hindi dapat manggaling sa Prosecution panel ang inisyatiba na paharapin sa SIC si Lachica. Maaaring ang depensa ang magharap sa kanya. Kung mangyari ang ganoon, hayaan natin na sumailalim siya sa matinding cross examination ng prosekusyon. Hindi birong mga tanong ang ilalatag sa kanya ng mga manananggol ng prosekusyon.
Hindi biro ang kakayahan ng mga taga-usig lalo na ang mga pribadong manananggol na nahasa sa litigation sa husgado. Nandiyan si Lorna Kapunan, Amando Virgil Ligutan, at Mae Divinagracia. Maasahan rin si Kin. Jinky Luistro ng Batangas, Joel Chan ng Maynila, at iba pang kongresista na pawang mga manananggol.
***
HINDI mainam na kapitbahay o karatig bansa ang China. Hindi katanggap-tanggap ang asal ng China kamakailan kung saan ipinagkait sa Nepal na malaman na may gumuhong glacier sa Himalayas na nasa gawi ng China. Papunta ng Nepal ang gumuhong glacier kasama ang mga bato at putik pero hindi sinabihan ng China na ay matinding sakuna na mangyayari sa pagguho ng glacier.
Grabe ang sakuna dahil libo-libo ang nawala at natabunan ang mga bayan na nadaanan ng pinagsamang yelo, bato, at putik. May pagkakataon ang China na sabihan ang Nepal lalo na sa unang dalawang oras ng sakuna. Kung nasabihan ng China, may pagkakataon na lumikas ang mga tao upang hindi matabunan.
Ngunit malamig ang China. Dahil sa kabiguan na pagsabihan ang Nepal, marami sa mga nasalanta ang hindi nakapaghanda. Mistulang winalis sila ng mga rumaragang yelo, bato, at putik. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na lumikas sa mga ligtas at mataas na lugar. Malinaw na may pananagutan ang China.
***
MGA PILING SALITA: “Bong Revilla to people who wished him dead: ‘I forgive you.’ Netizens to Bong: ‘We don’t want pardon. We want our money back.’” – PL, netizen, kritiko
“Let Misfit Sara spread her shit. She’s overextended and has made many political enemies. She won’t survive politically.” – Johnny Misa, netizen
“Do not be so sad about being taxed because your money during my term is safe. I will not allow corruption.” – Rodrigo Duterte