Advertisers
Sugatan ang taxi driver maging ang sakay nito nang bumangga ang sinasakyan sa poste ng MRT-7 sa Commonwealth Avenue sa may Tandang Sora, Quezon City.
Sa ulat, basag na basag ang windshield ng sasakyan at nayupi ring ang manibela nito.
Nagkalat naman sa kalsada ang nagtalsikang pira-pirasong bahagi ng taxi.
Bakas din umano ang dugo ng mga biktima sa loob ng taxi.
Batay sa imbestigasyon, lasing ang driver na sumuka pa, habang amoy alak din ang pasahero.
Samantala, nagpapagaling na ang dalawa sa East Avenue Medical Center.