Advertisers

Advertisers

Pamplona, Negros Oriental mayor, konsintidor?

0 407

Advertisers

NAGHALO ang takot at inis ng netizens at mamamayan sa Pamplona, Negros Oriental nang mapanood ang isang video na pinost sa social media habang sinasaktan ng tauhan ng isang politiko ang isang may kapansanan.

Kaya tila nagsisisi ngayon ang mga tao sa Pamplona na mali sila ng sinuportahan noong nakaraang eleksyon nang mapanood ang video na kinasangkutan ng tauhan ni Pamplona Mayor Janice Degamo.

Isang Gary Girasol, kilalang malapit kay Mayor Degamo, ang nag-viral sa pananakit nito sa isang taong walang kalaban-laban sa Tanjay, na tila pinagmamalaki na “tao” siya ng mayor ng lugar at pwedeng gawin kung ano man ang gustuhin nito.



Post ng netizen na si Josefa Lindo: “Gayu Girasol mao ni driver ni Mayor Janice Degamo nga nangolata ug PWD sa Tanjay, kay abi politiko iyang amo1 Basta basta nalang maka asta tawhana ka!!!”

“Nasayang ang boto at tiwala namin, pati ba naman tao na may kapansanan (PWD) ay kailangan nila imaltrato? Abusado na agad sila porke nasa posisyon,” malungkot na pahayag ng isang saksi na ayaw pakilala.



Ipinagmamalaki umano nitong si Girasol ang koneksyon niya sa Mayor kaya harabas lagi sa kanilang lugar na kinasasama ng loob ng mga tao na tila kinukunsinte na kanilang alkalde.

“Aral na ito sa amin. Hindi na kami muling magtitiwala sa susunod na eleksyon,” dagdag ng isa pang saksi sa insidente.



Sa kasalukuyan, patuloy ang netizens sa pagtawag ng atensyon ni Senator-elect Raffy Tulfo upang mabigyan ng hustisya ang biktimang PWD.