Advertisers

Advertisers

PATROLWOMAN NI-RAPE NI MAJOR!

0 598

Advertisers

ISANG policewoman ang nagsampa ng kasong rape laban sa hepe ng mobile force company ng Philippine National Police (PNP) sa Davao Oriental nitong Lunes ng umaga.

Ang kinasuhan ng rape sa prosecutor’s office ay nakilalang si Major Warren Dilem, hepe ng 2nd Police Mobile Force Company ng probinsiya.

Si Dilem, taga Baguio City, ay dinakip Biyernes ng gabi (Hunyo 10) ilang oras matapos umano niyang gahasain ang kanyang patrolwoman.



“Ginawa na po namin ang lahat so proper charges can be filed against Police Major Warren Dilem. Hindi po natin papayagan na may ginagawang ganyan kasi ito po ay hindi kanais-nais. Ginawa na po namin ang lahat. Bahala na ang korte mag determine kung ano ang karapat-dapat sa kanya,” sabi ni Colonel Francis Donald Brillante, ang direktor ng Davao Oriental PNP.

“Nakakahiya!” sabi ni Brillante, kata-talaga lang na police director ng probinsiya noong Biyernes, kungsaan naganap din ang krimen.



Natanggap ni Prosecutor Neil Pudpud ang reklamo 10:31 ng umaga nitong Lunes. Nakausap niya ang patrolwoman tungkol sa mga nangyari. Aniya, maglalabas siya ng resolution sa loob ng 24 oras.

Sinabi ni Brillantes na ang biktima ay dadalhin sa pasilidad ng mga naabusong babae sa PNP regional office sa Davao City para mabigyan ng pangangalaga dahil sa trauma.



Biyernes ng gabi nang arestuhin ng mga pulis mula sa Lupon, Davao Oriental ang 36-anyos na police major matapos humingi ng tulong ang biktima.

Ayon sa 34-anyos na patrolwoman, taga-Mandaya, Davao Oriental, bigla siyang pinasok ni Dilem sa kanyang sleeping quarters bandang 3:00 ng umaga ng Biyernes, pagkatapos ng okasyon ng Guardians Battalion Quarterly Socials na ginawa sa military base ng mga miyembro ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa police report, sinabi ng patrolwoman na lasing si Dilem nang dumating sa kanilang headquarters. Nakainom din siya ng isang boteng beer nang matulog.

Sinabi ng biktima na nakainuman ni Dilem ang kanyang mga lalaking tauhan hanggang madaling-araw.

Sinabi ng biktima na biglang pumasok si Dilem sa kanyang quarters habang siya’y natutulog, at ginahasa siya. Lumaban siya pero hindi kinaya ang lakas ng opisyal.

Pagkatapos ng pang-aabuso, umalis siya ng kanyang quarters, habang si Dilem ay nakahiga sa kanyang kama, nagsumbong siya sa kasamahang policewoman at nagtungo sila sa Lupon police station para humingi ng tulong.