Advertisers

Advertisers

Cebu provincial police chief, sinibak!

0 389

Advertisers

Tinanggal sa pwesto si Cebu Provincial Director Police Col. Engelbert Soriano simula Hunyo 12, ayon sa Philippine National Police (PNP) Public Information Office.

Sinabi sa pahayag na na-relieve si Soriano nang maglingkod ng higit sa isang taon, para bigyang-daan “for career advancement and to give greater opportunity to other qualified Third Level PCOs (Police Commissioned Officers).”

“His relief is pursuant to the provisions of PNP Memorandum Circular 2022-002, which states that Provincial Director, City Director or COP of NCRPO shall be held by a PCOL for a continuous period of one year,” saad pa sa pahayag.



Dalawang araw bago inihayag ang kanyang pagkakatanggal sa pwesto, naglabas ng pahayag si Soriano sa Facebook page ng Cebu Provincial Police Office na nagsasabing “nananatiling batas” ang Executive Order No. 16 ni Gobernador Gwen Garcia.

Sa nasabing kontrobersyal na EO ng gobernador ng Cebu, pinahintulutan ang opsyonal na paggamit ng mga face mask sa lalawigan ng Cebu, na kinakailangan lamang ito sa mga panloob at air-conditioned na espasyo at para sa mga may sintomas ng COVID-19.



Tumugon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa EO, na pinaalalahanan si Garcia na ang bansa nasa ilalim pa rin ng Public Health Emergency, kung saan ang mga lokal na patakaran dapat na umayon sa mga lokal na patakaran upang makontrol at mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Sinabi naman ni DILG chief Eduardo Año nitong Biyernes na nakipag-usap siya sa PNP chief at regional at provincial police directors para ipatupad ang mandato sa pagsusuot ng mask.



“Kung ang provincial director hindi niya ipatutupad ‘yan, he will relieved of his position, and we will place somebody there who will implement the law,” ani Año sa panayam ng TeleRadyo noong Lunes ng gabi.

Si Police Col. Elmer Lim ay itinalaga bilang officer-in-charge ng Cebu Police Provincial Office kasunod ng pag-relieve kay Soriano.