Advertisers

Advertisers

Barangay 234 ni Tserman Tan, nagsagawa ng SOBA

0 270

Advertisers

Nagsagawa ng State of the Barangay Address (SOBA) o Ulat sa Barangay ang Barangay 234, Zone 22 para sa calendar year 2022.

Pinamunuan ni Chairwoman Arlene S. Tan kasama ng buong council at SK council ang taunang SOBA kung saan iniulat ang kasalukuyang sitwasyon ng barangay.

Hinikayat nila ang kanilang mga constituents na makialam, makilahok at makiisa sa mga aktibidades ng kanilang barangay.



Unang tinalakay sa barangay assembly ang patuloy na pagtugon sa Covid-19 kung saan hinikayat ng buong council ang kanilang mga residente na mag-ingat pa rin sa virus at magpabakuna na ang mga taong wala pang proteksyon. Anila, libre lamang ang ipinagkakaloob na Covid~19 vaccine ng pamahalaan.

Pangalawa, ang ulat hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng pondo na umabot sa P5-milyon para gamitin sa proyekto at programa para sa benepisyo ng mga residente.



Talim ng pangil at kamay na bakal naman ang tiniyak ng pamunuan para mabawasan kundi man masugpo ang krimen sa droga.

Iniulat din ang proyekto sa declogging para alisin ang mga bara sa daluyan ng kanal na makaapekto sa panahon ng tag-ulan



Gayundin, sinabi ng barangay na prayoridad din nila ang kapakanan ng senior citizens na cover sa batas na 5 percent discount sa bayarin ng ilaw at tubig.

Pinuri ni Tserman Arlene ang kanyang mga kagawad at tanod na pawang mga masisipag. Nagpasalamat din si Tan sa kanyang mga constituents sa patuloy na pagsuporta at pagtalima sa mga patakaran ng kanilang barangay.

Hindi naman nakaligtaan ni Tserman Tan at ng pito niyang kagawad na batiin ng Happy Father’s Day ang mga haligi ng tahanan sa buong barangay.