Advertisers
HINOLDAP ang 4 kabataan sa labas ng isang convenience store ng riding in tandem na nagpakilalang mga pulis sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District Station 9, papasok na sana sa convenience store ang mga menor de edad nang dumating ang 2 lalaki sakay ng isang motorsiklo. Nagpakilala ang mga ito na mga pulis, sinabihan ang mga kabataan huwag gagalaw dahil may baril sila.
Tinanong ng riding in tandem ang mga biktima kung may kakilala silang gumagamit ng iligal na gamot sa barangay. Tapos kinuha ang kanilang mga cellphone upang ma-verify na hindi sila nagdodroga.
Nang makuha ang mga cellphone ng mga biktima, muli silang binantaan na huwag gagalaw kundi babarilin sila.
Tumakas ang mga sakay ng motorsiklo tangay ang cellphone ng kabataan.
Nagsumbong agad sa pulisya ang mga biktima. Nang ipresenta nila ang rogue’s gallery, itinuro nila ang isang holdaper na si Darwin Nieto.
Sasampahan ng kaso si Nieto at ang kasabwat.