Advertisers

Advertisers

EROPLANO NG SAUDIA, SUMADSAD LAGPAS NG NAIA RUNWAY

0 214

Advertisers

Sumadsad matapos na lumagpas sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Lunes ng hapon ang isang eroplano ng Saudia Airlines.

Tiniyak ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na ‘under control’ na ang sitwasyon at lahat ng recovery operations na ginawa ay naaayon sa international standards on aircraft recovery.

Agad na nagpadala si Monreal ng mga tauhan ng Fire and Rescue Division matapos makatanggap ng emergency call ng Saudia Airlines plane pagkalapag nito.



Ani Monreal, ang nasabing SV862 aircraft ay lumapag sa Runway 06-24 ganap na 1:47 p.m. nang ang anim na kanang landing gears nito ay lumagpas sa pavement sa may dulong bahagi ng Taxiway Charlie papunta sa madamong bahagi, habang ito ay papunta sa parking bay ng NAIA Terminal 1. Nabaon sa lupa ang mga nasabing gulong ng eroplano.

Ligtas at walang nasaktan sa 420 passengers at crew at sila ay isinakay sa shuttle papuntang Terminal 1 kung saan naghintay sila ng kanilang mga bagahe.



Walang naapektuhang flight sa apat na NAIA Terminals at patuloy ang mga naka-schedule naflights habang ang ibang bahagi ng Taxiway Charlie ay patuloy na ginagamit ng ibang flights.

Sinabi ni public affairs division chief Ma. Connie Bungag na nagtungo sa site sina Monreal at CAAP Director -General Capt. Jim Sydiongco para pangasiwaan ang recovery operations. Naroong din ang iba pang MIAA units ng operations, security at medical teams. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">