Advertisers
Patay ang pitong miyembro ng lawless group habang isang pulis ang sugatan at 5 iba nadakip sa isinagawang operation sa Rajah Buayan, Maguindanao, Martes ng umaga.
Kinilala ang dalawa sa pitong nasawi na sina Turkey Utto Utap, Katendeg Mustapha habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 5 sa mga nasawi. Habang dinala 5 nadakip na mga suspek sa CIDG Regional Field Unit BAR Office sa PC Hill Rosary Height 1 Cotabato City.
Samantala, dinala naman sa Cotabato Regional Medical Center upang malapatan ng lunas ang sugatan si Pat Benjamin Dalimbang Laguialam.
Ayon kay BGen Arthur Cabalona, Regional Director PROBAR, 4:00 ng madaling araw ng magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng 1404th Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, Regional Intelligence Division BAR, Regional Special Operation Group-RID BAR, Criminal Investigation and Detection Group RFU BAR, at Rajah Buayan Police Station sa Brgy. Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao.
Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong Frustrated murder na ipinalabas ni Judge Annabelle DP Piang ng 12th Judicial Region, Branch 13, Cotabato City noong January 3, 2021 at Robbery with Homicide na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Kasan Abdulrakman of the 12th Judicial Region, Branch 14, Cotabato City dated September 28, 2021 laban kay Utap at Mustapha.
Ang mga nasawing mga suspek, dinala ng Rajah Buayan RHU sa IPHO Maguindanao habang ang 5 naaresto at mga narekober na mga ebidensiya dinala sa CIDG RFU BAR Office, PC Hill Rosary Heights I Cotabato City para sa imbestigasyon at paghaharap ng kaukulang kaso.(Mark Obleada)