Advertisers

Advertisers

Liza pumirma na sa record label ni James; Lucy buking sa mga lumang pics ni Goma sa cabinet

0 357

Advertisers

Ni BETH GELENA

USAP-USAPAN ngayon ang naglabasang news na noong Lunes ay pumirma sa Careless Music record label ng actor-musician na si James Reid si Liza Soberano.
Sa presscon ay sinabi ng aktres na she is “looking forward to work with the record label known for taking care of young talents.”
“The fact that they work with young creatives — I’m currently 24 — so it’s very exciting and encouraging to see a lot of people pursuing their dreams and passion at a very young age in a way that they wanna do it.”
“I was looking for personal growth in my career. I’ve been working in the industry for 12 years now and I’ve been working with pretty much the same set of people that I’ve been working since then, not to say that I’m not grateful, not to say that I haven’t achieved so much by working with them but as I got older, I started discovering who I really was and I wanted more control over how to express that.
“I also wanted to work with people my age to be honest … and when I met James and his team it really made me even more excited to work with because their team is so young, so creative and they are so fearless to take risks and try to chase after things that we would think is impossible,” paliwanag ni Liza sa desisyong lumipat sa bakuran ng aktor.
Bukod kay Liza, ang sister ni Yassi Pressman na si Issa ay isa rin sa bagong artist ng Careless Music.
Ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ang nagbalita ng paglipat nito kay James bilang manager.
Nang maibalita na ang paglipat ni Liza ng manager, inamin ng aktres ang matagal na niyang dream to “take the first leap” para subukin na magkaroon ng career sa United States.
Ang Careless Music ni James ay parte ng US-based Transparent Arts group na nagsusulong ng Asian-American talents.
Payo naman ni Liza sa katulad niyang Asian talent na nais magkapangalan sa US: “I would say to just go for it.”
***
FOE NINA PIOLO AT LOVI MAY PREMIERE ACROSS 16 COUNTRIES VIA VIU
NAGKAROON ng art exhibit kamakailan ang Flower of Evil.
Present ang lead actor ng FOE, isang Pinoy adaptation mula sa K-drama na ginanap sa Rockwell, Makati.
Kasama ng actor ang direktor ng FOE na si direk Darnel Villaflor, ang sculptor na si Richard Buxani, at Viu country manager Ari Kader-Cu.
Kasama ring lumagda si Papa P sa isang nilikhang FOE.
Ang nasabing exhibit ay open hanggang June 24 na matatagpuan sa Lifestyle Hallway, Powerplant Mall, Rockwell, Makati.
Hindi kasama ni Papa P ang kanyang leading lady na si Lovi Poe.
Eto ang first TV series since lumipat ang aktres sa Kapamilya.
Ang Viu original adaptation will stream episodes in 16 countries across Asia, the Middle East, and South Africa.
Ang remake ng Flower of Evil ay magkakaroon ng premiere across 16 countries via Viu.
Magkakaroon ng premiere internationally via Viu sa June 23 at June 25 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
***
LUCY BUKING MGA LUMANG PIKTYUR NI GOMA NAKATAGO SA CABINET
Hindi sukat akalain ni Richard Gomez na mabubuking niya ang itinatagong sekreto ng misis niyang si Ormoc mayor-elect Lucy Torres Gomez.
Very open naman si Lucy nu’ng nag-uumpisa pa lang siyang mag-commercial model ay sinasabi na niyang crush niya ang aktor na si Richard.
Twelve years old lang daw siya noon ay super crush na niya ang aktor.
Unang nag-meet ang celebrity couple nu’ng sinu-shoot ni Lucy ang commercial na Lux Shampoo sa Lake Caliraya 1993.
Ikinasal sila ng 1998, pareho raw kasi silang na love at first sa isa’t isa.
Sa showbiz podcast ng Updated with Nelson Canlas, kinuwento ng actor-pulitiko na may nalaman siyang sekreto na pinakatagu-tago ng kanyang misis sa kanya.
Aniya, back in 1991 nang rumagasa ang typhoon sa Ormoc City.
“Binaha ‘yong bahay nila so they decided to move do’n sa subdivision dito sa Ormoc City na ginawa ng lolo niya. And then ‘yong bahay na ‘yon, minaintain pa rin nila. Pero alam mo ‘yong inabandona nila, hindi talaga pininturahan, iniwan lang siya.
“So no’ng dumaan kami, sabi niya, ‘this is where we used to live.’ Sabi niya ‘halika, pakita ko sayo.”
Nahiya raw si Lucy nang papasok na sila sa dating room nito dahil may isang cabinet na naroroon
“Alam mo ‘yong napahinto siya na gano’n. ‘This is my room,’ tapos nakagano’n siya. And then na-realize niya siguro na ‘hindi ko pa natatanggal ‘yong mga cutouts na pinaste ko sa cabinet.’”
Nang binuksan na raw ni Lucy ang cabinet ay na-amaze si Goma sa nakita.
“Pagbukas tawa siya nang tawa kasi no’ng nakita ko talaga, nando’n ‘yong GMA pictures ko, nakadikit do’n sa cabinet. Iba-ibang mga photos ko from different movies, from different TV shows.”
Nalaman niyang lagi raw ipinagdarasal ni Lucy na bigyan siya ng good husband na kamukha ng kanyang iniidolo.
O much better na si Richard Gomez na mismo.
“Sabi niya, ‘Lord kung mag-aasawa ko, give me a good husband. Yon ang number 1, give me a good husband. Pero kung pwede bigyan mo ko ng kamukha ni Richard Gomez. Tapos kung talagang papalarin Lord, si Richard Gomez na talaga ‘yong ibigay mo sakin.’ Talagang ipinagdasal niya,” natatawang sabi ng Congressman-elect actor.
Ayon pa kay Goma, kaya raw pinagbuklod sila ni Lucy ay dahil hiningi siya nito sa Itaas.
“Ang lakas niya kay Lord sa totoo lang,” sey ni Goma.
“Pinagdasal niya talaga ko sa Panginoon. Siguro that was what brought me here to Ormoc City, that was what brought me to Lucy, ‘yong mga dasal niya.”
Sa ngayon ay masasabing ideal couple ang dalawang personalidad.
Never silang nabalitaan na nagkaroon ng differences nu’ng nasa period sila ng adjustment sa mga unang taon na sila ay naging husband and wife.
Nag-iisang unica hija lang ang kanilang anak, si Juliana.
If gusto pa nilang sundan si Juliana na nasa 20s na rin naman, might as well tanging Diyos na lang ang nakakaalam.