Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ILANG pelikula na rin naman ang nagawa ni Marco Gallo sa bakuran ng Vivamax and knowing Vivamax, they bring out the daring sides of their talent at hindi rin naiwasan ito ni Marco, for the love of his career. Yes, si Marco na ang lead actor kasama si Rose Van Ginkel sa pelikulang ‘Kitty K7’ na kapwa ini-launch ang dalawa into full stardom.
Inamin ni Marco na nahirapan siyang gawin ang maiinit na eksena.
“This is the most daring movie I’ve done to date. I got offers then to go sexy, but I wasn’t ready yet. Now, it’s still kinda scary, but Rose and I did our best with the help of our director, Joy Aquino.
“It was hard because it’s the first time for me to do it and I have to do it well for the camera,” say ni Marco.
Inamin din ni Marco na isa sa dahilan kung bakit napapayag siyang maghubad sa pelikula ay kadahilanan na nagandahan siya sa materyal at napapanahon.
“I play Krishna, a photographer. I met Rose as Hanna and I took erotic photos of her. We end up in bed and this opens her wild side so she becomes a cam girl on the internet,” say ni Marco.
May mga aral pa rin matututunan sa naturang movie nina Marco at Rose, ito ay ang pagiging adventurous sa buhay.
“My character in the movie is afraid of commitment and from him, I learned that you should not be afraid of commitment.
Ultimately, he grew and he made an important choice in the movie. It shows that you just have to be confident with the choices you make.
You don’t have to play it too safe all the time. You have to learn how to take risks sometimes,” dagdag na say pa ni Marco.
***
ISA sa nagdala sa rurok ng tagumpay kay Jean Garcia ay ang pagiging kontrabida niya, remember kasama niya rin si Eula Valdez that time sa pagiging kontrabida?
And after so many years na hindi gumawa ng ganitong klaseng role ay muling nagbabalik si Jean bilang mean girl via “Lolong” na hinuhulaan na magdadala naman sa lead actor na si Ruru Madrid bilang isang action star.
Gagampanan ni Jean ang role ni Dona Banzon, ina ni Martin Banzon (Paul Salas), at asawa ni Armando Banzon (Christopher De Leon).
“Si Dona ay isang character na matutuwa ka sometimes pero more on mabubuwisit ka. Itong si Dona, lahat ng high meron siya. High pitch, high strung, over the top, overacting, loud siya, maingay siya pero sosyal,” say ni Jean.
Isa sa dahilan kung bakit muling lumabas bilang kontrabida si Jean sa serye ay dahil ibang klaseng mean girl ang kanyang role, kalaban ng lahat.
“Guguluhin niya lahat ng buhay lalo na ‘pag ginugulo ang buhay ng asawa niya at anak niya, ganoon si Dona,” dagdag na sabi pa ni Jean.
Mapapanood ang “Lolong” simula sa July 4 na makakasama rin sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Rochelle Pangilinan, Malou de Guzman, Bembol Roco, Maui Tayloy, at marami pang iba.