Advertisers

Advertisers

K-12 ‘di epektibo, dagdag gastos lang!

0 578

Advertisers

LUMALABAS ngayon na hindi epektibo itong K-12 program ng DepEd, sa halip ay dagdag gastos lang sa mga magulang.

Oo! Dahil kahit graduate ka na ng senior high school o Grade 12 (na dapat ay 2nd year college na) ay hindi ka parin tatanggapin sa mga kompanya kung hindi ka nagtapos ng college.

Ang dagdag na dalawang taon sa high school, mula sa Grade 10 o 4th year, ay ipinatupad ng DepEd para raw kahit Grade 12 graduate lang ay matatanggap na sa mga kompanya, magkakaroon na ng posisyon sa opisina, at hindi na mahihirapan pag nag-proceed ng college. Sus!



Eh lumalabas ngayon na walang kompanya na tumatanggap ng Grade 12 graduate lamang, ang requirements ay college diploma parin.

Mantakin mo naman ang 2 years na dagdag sa high school, dapat ay graduate ka na nito ng 2 years vocational o technical course, makapagtatrabaho ka na sana ng maayos, makatutulong na sana sa mga magulang. Pero dahil nga ginawang Grade 12 ang high school, ayon dagdag gastos sa mga magulang. Tapos ang ibang kabataan nagsasawa na pagpabalik-balik sa school kaya nag-aasawa nalang. Ewan!



Well, tingnan natin kung ano ang gagawing pagretoke rito ng Kongreso matapos mahimasmasan na walang gamit ang K-12 kundi dagdag gastos sa mga magulang. Mismo!

***



Dapat nang ibalik ang face-to-face classes dahil wala nang natutunan ang mga mag-aaral dito sa online class at modules lamang.

Yung apo ko na gusto nang mag-daycare ay ayaw i-enroll ng kanyang mga magulang dahil ano raw ang matutunan ng isang 4 years old sa online class lang, at kung modules naman ay magulang parin ang magtuturo o sasagot nito.

Hindi na dapat idahilan ng DepEd ang Covid-19 dahil matagal nang mayroong face-to-face: noong eleksyon siksikan ang mga tao, may basketball na, bukas na mga bahay aliwan, 100 percent operational na ang business establishments. Pero bakit ang face-to-face classes ayaw parin payagan?

Dito sa pag-upong DepEd Secretary ni Vice President Sara Duterte-Carpio, sana’y maibalik niya na ang face-to- face classes sa lahat ng antas.Aba’y tumatanda na ang mga dapat ay magde-daycare. Animal!

***

May kahilingan ang grupo ng mga titser kay incoming Vice President at DepEd Secretary to be Sara Duterte-Carpio: Sana raw ang hindi natupad ng tatay Digong niya ay tuparin ni Inday ngayon.

“Yung hindi natupad ni Pangulong Dterte sa mga gur, baka naman makaya nang tuparon ng anak ‘yinh pangakp ng tatay a dobehin ang sweldo ng mga teacher or at least ayusin ito,” sabi ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Noon kasing 2016 election campaign, isa sa mga ipinangako ni Digong sa mga guro ay doblehin ang sueldo ng mga guro.

Pero ang nangyari, ang dinoble ni Digong ay ang sahod lamang ng uniformed personnel (bureau of fire, coast guards, police at bureau of jail). Nakalimutan ni Digong ang mga titser.

At mukhang malabong maibigay ang hirit na ito ng mga titser dahil malaki na ang problema ng Pinas sa pananalapi.