Advertisers

Advertisers

Mister iniwan ni misis, nanakal ng PWD

0 238

Advertisers

Kulong ang isang mister nang manuntok at manakal ng person with disability (PWD) sa Barangay Talaba III noong Martes.

Sa ulat, hindi kilala ng hindi na pinangalanang biktima ang suspek na si Rolly Boncales, Sr.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harap ng isang grocery store nang biglang suntukin at sakalin ni Boncales.



Sa reportm ng Bacoor City Police Station (CPS), nagulantang na lamang ang babaeng PWD nang bigla siyang atakehin ni Boncales.

Natigil lamang si Boncales nang magsisigaw ang isang taong nakasaksi sa pangyayari. Nagawang makatakbo ng biktima at humingi agad ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagkahiwalay ang suspek at misis nito. Kinaliwa ang mister ng kanyang misis kaya sa sobrang init ng ulo, napagdiskitahan nito ang babaeng biktima bagama’t hindi naman sila magkakilala.

Nahaharap si Boncales sa kasong attempted homicide at resisting arrest.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">