Advertisers

Advertisers

Pulis-Isabela, missing!

0 406

Advertisers

ISABELA – Tatlong anggulo ang tinitingnan ng Special Investigation Task Force sa nawawalang pulis na nakata-laga sa Cabatuan Police Station.

Kinilala ng Isabela Provincial Police Office ang nawawalang pulis na si Police Senior Master Sgt. Antonino Agonoy, 42, residente ng San Mateo, Isabela.

Iniulat ng pamilya sa pulisya noong Hunyo 5 na hindi na nakauwi si PSenior Master Sgt. Agonoy.



Sinabi ni PMajor Lorvin Layugan, hepe ng Cabatuan Police Station, na kanilang sinusuri ang kuha ng CCTV camera sa Cabatuan at Cauayan City kung saan natagpuan ang NMAX motorcycle nito.

Sinabi ni PMajor Layugan na bumuo ang IPPO ng Special Investigation Task Force para manguna sa imbestigasyon.

Dagdag pa ni PMajor Layugan, tatlong anggulo na ang iniimbestigahan ng SITF ng IPPO kaugnay ng pagkawala ni senior Master Sergeant Agonoy.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya ni Agonoy para mapabilis ang imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Major Amy M. Dela Cruz, Police Information Officer ng IPPO, na sakaling magkaroon ng update, maglalabas sila ng mga paha-yag.



“On going pa din ang paghahanap at pag iimbestiga,” saad ni Dela Cruz.