Advertisers

Advertisers

Bebot kulong sa investment scam

0 379

Advertisers

Inaresto ang isang ginang ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-NCR sa kasong investment fraud sa Kawit, Cavite.

Kinilala ni NBI Director Eric B. Disyor ang naaresto na si Mary Ann Tee Hernandez.

Ayon kay Distor, nag-ugat ang pag-aresto sa ginang sa mga reklamo sa investment scam at patuloy na ginagawang panloloko sa pamamagitan ng pag-solicit at pagtanggap ng pera para sa investment ng kanyang” non-existent business.”



Sa Facebook, nakakakuha ng bibiktimahin si Hernandez at nagpapakilalang may-ari ng Frontier Freight Forwarders (Frontier), isang lehitimong negosyo na humahawak ng imports at exports gayundin nag-aayos ng mga kargamento para sa mga shippers at importer na anim na taon nang nag-ooperate sa Pasay City.

Pinangangakuan ng suspek ang kanyang mga biktima na maibabalik ang inilagak na pera ng 2 percent kada buwan.

Nang beripikahin, nadiskubre sa Frontier Freight Forwarders na walang naipapasok na investment.

Dahil dito, pinayuhan ang complainant na magreklamo sa NBI para sa entrapment operation.

Nagpanggap na poseur investor ang kapatid ng complainant at nagkasundo na magkita sa Kawit,Cavite kung saan ibibigay ang halagang hinihingi ng suspek bilang initial investment.



Nang matanggap ng suspek ang marked money, agad kumilos ang NBI at inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong Estafa sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code na may ugnayan sa RA 10175 o “The Cybercrime Prevention Act of 2012.” (Jocelyn Domenden)