Advertisers
PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna nina Manila Mayor Isko Moreno at incoming Mayor Honey Lacuna, ang mga tapat na empleyado ng lungsod na ilang dekada ng nagsilbi sa City Hall.
Ang awarding ay kaugnay din ng “451st Araw ng Maynila” celebration sa June 24.
Ang awarding ceremony na ginawa noong Miyerkules ay para sa mga City Service Loyalty employees na may 30, 35, 40, 45, taon na sa kanilang serbisyo
Ito ay ginanap sa Justice Cecilia Munoz Palma Hall ng Universidad de Manila.
Samantala ay nakatakda ding pangunahan nina Moreno at Lacuna ang awarding ng Outstanding Manilans Huwebes ng gabi.
Ang event ay nakatakdang gawin sa Metropolitan Theater ay ito ay upang bigyang pagkilala ang mga natatanging ambag ng mga nilalang na nakatulong sa pag-unlad ng Maynila.
Taun-taon ay nagmumula sa larangan ng business, communications, finance, public service, diplomacy at spiritual leadership ang mga pinaparangalan.
Parehong pinuri nina Moreno at Lacuna ang mga awardees, at sinabing ang pagkilala ay ang munting paraan lamang ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang naiambag sa progreso ng Maynila sa loob ng nakalipas na taon. (ANDI GARCIA)