Advertisers

Advertisers

SK chairman, binaril-patay

0 320

Advertisers

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Butuan City Police Station (BCPS) 3 upang ma-kilala ang responsable at malaman ang motibo sa pagbaril-patay sa Sangguniang Kabataan o SK chairman ng Brgy. Lum-bocan, Butuan city nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Nelbert Gacosta, 27 anyos, binata at residente ng Purok 11 ng nasabing barangay.

Sa inisyal na pag-imbestiga ni PMajor Dores Aguhob, nalaman na may limang mga tama ng bala sa kanyang likod ang biktima na dinala pa sa Agusan del Norte Provincial Hospital ngunit pagsapit ng 10:07 ng gabi, idineklara itong patay ni Dr Anthony Francis Medillo.



Inihayag ni Lumbocan Kapitan Shirley Reyes na binaril ang biktima matapos ang pinangungunahan nitong larong basketball sa kanilang barangay sa highway ng Purok 7 ng kalapit na Brgy. Masao.(Mark Obleada)