Advertisers

Advertisers

COLLEGIATE AT REGIONAL BASKETBALL, TODO SUPORTA ANG COCOLIFE

0 160

Advertisers

BUKOD sa collegiate basketball ay lumawig pa ang suporta ng COCOLIFE partikular sa regional cage league sa bansa na mina ng mga potensiyal at future basketball stars tulad ng pumapailanlang na Pilipinas Super League.

Nitong nakaraang weekend lamang, naselyuhan ng COCOLIFE bilang team sponsor ,Pasig basketball team ng city government at ng PSL sa pamamagitan ng memorandum of agreement upang pormal na maging kinatawan ng Metro Manila ang Pasig Cocolife Pirates sa sasambulat ng PSL 21-Under na lalarga na sa susunod na buwan ng Hulyo sa Pampanga.

Lumagda ng kasunduan sina COCOLIFE Presidet Atty.Jose Martin Loon,Pasig City Mayor Vico Sotto at PSL President Rocky Chan kaagapay sa VP Ray Alao.



Napaka- makabuluhan ng kaganapan dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng oportunidad ang mga kabataang potensiyal na madiskubre at matupad ang kanilang pangarap na makarating sa PBA at Gilas Pilipinas sa hinaharap bukod sa magandang buhay na makakamit bilang mahusay na manlalaro ng paboritong pastime sport ng Pinoy na basketball.

Hats off kina COCOLIFE bosses Pres Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan ,EVP Franz Joie Araque at basketball sport operation head Aries Conde.



Kamakailan ay pormal ding sinuportahan ng COCOLIFE ang JRU Heavy Bombers sa NCAA at Enderun College sa NCRAA sa kanilang basketball programs bukod pa sa kabalikat din ang kumpanya sa iba pang koponang Davao Tigers ,Dreamers sa regionals at mismong PSL. MABUHAY COCOLIFE!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">