Advertisers

Advertisers

VM Honey Lacuna nanumpa na bilang alkalde ng Maynila

0 329

Advertisers

OPISYAL na. Nanumpa na si Manila Vice Mayor, Dra. Sheilah Lacuna-Pangan, na lalong kilala bilang Honey Lacuna, bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa.

Siya at si Congressman John Marvin Yul Servo Nieto, na kilala bilang Yul Servo sa kanyang mga nasasakupan ay nanumpa nitong Miyerkules ng hapon, June 29, bilang bagong mayor at vice mayor ng Maynila.

Si outgoing Mayor Isko Moreno ang siyang nagpanumpa sa dalawa sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Manila Cathedral dakong alas-3:00 ng hapon. Ang tatlo ay perehong kabilang sa local na partidong Asenso Manileno, na nakopo ang lahat ng mga local elective posts sa katatapos na May polls.



Dahil sa regulations na itinakda ng simbahan ay limitado lamang sa miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan ang pinapasok sa loob ng Manila Cathedral.

Naroon para sumaksi sa katuparan ng matagal na niyang pangarap na maupo bilang alkalde ang isang Lacuna ay si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna. Ang kanyang pangarap ay tinupad na ng kanyang anak na si Mayor Honey Lacuna.



Nangako si Mayor Honey na ibibigay niya sa lahat ng mga residente ng Maynila ang nararapat na serbisyo para sa mga ito. Sinabi din niya na ang mga senior citizens, solo parents, persons with disability at university students ay patuloy na tatanggap ng financial assistance sa ilalim ng social amelioration program ng lungsod.

Idinagdag pa ng bagong alkalde na ang mga residente ng lungsod ay makakaranas ng kalinga ng isang ina at doktor mula sa kanya, na kanyang ipinangakong ipagkakaloob sa lahat ng mamamayan ng lungsod lalo na sa usapin ng social services. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">