Advertisers

Advertisers

DILG NAGSUMITE KAY PBBM NG REKOMENDASYON SA BRGY/SK ELECTIONS

0 349

Advertisers

NAGPASA na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Disyembre.

Tumanggi naman si Abalos na ibulgar ang kanyang rekomendasyon kung dapat o hindi ba dapat ituloy ang naturang halalan.

Sinabi ni Abalos, antayin na lamang daw ang magiging anunsiyo ng pangulo kaugnay sa kanyang magiging posisyon.



Matatandaang ilang beses na ring na-postpone ang barangay at SK election.
Ilang mga kongresista naman ang nagpanukala na gawin na lamang ang halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Una nang tinaya ni incoming House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mahigit sa P8 billion ang matitipid ng gobyerno kung ma-postpone ngayong taon ang halalan at sa halip ang naturang pera ay iuukol na lamang sa COVID-19 related response programs.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">