Advertisers

Advertisers

Pilot airing ng ‘Lolong’ wagi na sa ratings, trending pa!

0 345

Advertisers

BONGGA ang ratings at trending topic pa sa Twitter ang pagsisimula ng dambuhalang adventure-serye sa primetime na ‘Lolong’ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Marami ang namangha sa visual effects at sa action scenes ni Ruru sa first gap pa lang. Natuwa rin ang fans at viewers sa magandang kuwento at mga aral na dala ng serye.
Ayon sa Nielsen Philippines’ National Urban TV audience measurement overnight ratings para sa July 4, ang pilot episode ng Lolong ay nakapagtala ng combined people rating na 17.7 percent para sa pag-ere nito sa GMA at GTV. Higit na mataas ito sa Ang Probinsyano na nakakuha lamang ng combined people rating na 11.6 percent sa pag-ere nito sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Cinemo. Top trending topic din ang #LolongPremiere na pumalo sa mahigit 35,000 tweets noong Lunes ng gabi.
Winner muli ang Lolong sa ratings noong Martes, July 5. Patuloy rin itong pinag-uusapan sa social media platforms at trending pa nga ang #LolongElsie nitong Martes na napanood na si Shaira Diaz bilang si Elsie.
Tiyak na inaabangan na ng viewers ang paglabas ng karakter ni Jean Garcia bilang si Dona—ang magiging tinik sa buhay ni Lolong bukod kina Armando at Martin na ginagampanan nina Christopher de Leon at Paul Salas.
Tutok na sa Lolong, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
***
Ina Raymundo agaw-eksena ang role sa “Bolera”
Usap-usapan ngayon ang special role ni Ina Raymundo sa top-rating GMA primetime series na “Bolera.”
Ipinasilip na noong Biyernes si Ina bilang si White Lotus kung saan napanood ang pagkamangha nina Joni (Kylie Padilla) at Miguel (Rayver Cruz) noong dumating ito sa tournament.
Ano kaya ang magiging papel ni White Lotus sa buhay ni Joni? Bakit malaki ang paghanga sa kanya sa mundo ng billiards?
Kilalanin si White Lotus ngayong linggo sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.
***
Rocco Nacino may bagong business!
Habang inaantay ang pagdating ng kanilang first baby, masayang ibinalita ng Kapuso star na si Rocco Nacino ang bagong business nila ng asawang si Melissa Gohing.
Ito ay ang ‘Mama Luna’ na product collaboration ng mag-asawa na ginawa for pregnant moms at buong pamilya. Ito ay binubuo ng conditioning shampoo, bath gel, at body lotion.
Ayon kay Rocco, pinag-isipan at pinaghandaan nilang mabuti ang mga produktong ito, “Months of planning, a lot of yes and nos, and this brand is built with love and extra night of thinking, even the name itself pinag-isipan rin namin ito” kwento ni Rocco.