Advertisers

Advertisers

Lahat ng sugal online na!

0 301

Advertisers

KUNG napatigil ng gobyerno ang online sabong, napatanggal ang websites, dapat ipagbawal din itong mga sugal ng baraha sa online tulad ng tong-its, pusoy, bacarat, poker at iba pa.

Oo! Para naring casino ang mga cellphone ngayon, puno ng apps ng mga sugal. Animal!

Marami nang naa-adik sa mga sugal na ito sa online. Pati mga musmos na marunong sa celphone ay natototo naring maglaro ng game cards na ito eh.



Hindi natin alam kung paano ito masawata. Pero dapat gumawa ng paraan ang ating gobyerno para maalis ang apps ng mga sugal online.

Kaya ba, Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Telecommunications Commission (NTC)? Aksyon!

***

May babala ang NTC sa publiko: Huwag raw maniwala sa mga text na nag-aalok ng trabaho na malaki ang suweldo, at hinihingian kayo ng pera para kuno sa pagproseso ng inyong mga papel. Scam ito! Yes!

Huwag din maniwala sa text na kayo ay nanalo ng malaking halaga sa isang pa-raffle kung wala naman kayong sinalihan na raffle o wala kayong nabiling tiket para sa raffle. Kalolohan yan! Scam!!!

Malalaman kung scam ang isang bagay kapag kayo’y hiningian ng pera ng nagte-text sa inyo at ipinahuhulog sa Gcash o pinama-money transfer.



Daming manloloko sa online ngayon. Kaya ingat, mga pare’t mare…

***
Sandiganbayan anyare sa kaso ng
‘fertilizer fund scam’ sa Romblon?

ANO kaya ang mga rason ng Sandiganbayan 6th Division at hindi parin nito nailalabas ang desisyon sa kaso ng fertilizer fund scam sa Romblon na kinasasangkutan ng dating gobernador ngayo’y kongresista na si Jesus “Budoy” Madrona?

Aba’y 2004 pa po ang kasong ito, panahon pa ni aling Gloria M.Arroyo. Itong sa Romblon nalang yata ang naiwan sa graft court na ‘di pa nadedesisyunan? Samantalang ang mga kasabay ng kasong ito ay nababaan na ng desisyon. 18 years na po ito, mga Justice!!!

Tulad ng kay dating Quirino Gov. Pedro Bacani, na kasabay ni Madrona na nakasuhan, nadesisyunan ito ng Sandiganbayan 2nd Division noong Hunyo 3, 2022. ‘Guilty’ ang hatol. Hanggang walong taon na pagkabilanggo at bawal nang magtrabaho sa gobyerno, kahit mag-barangay tanod.

Yung mga opisyal ng Guimbal, Iloilo na may kaparehong kaso, nadesisyuna narin noon pang October 2017.

Yung dating congressman ng Zamboanga del Sur, na-indict din yun ng Ombudsman. Pero yumao ito nang dinidinig na ang kaso sa Sandiganbayan 7th Division.

Sa mga nakasuhan nitong P728 million fertilizer funds scam na niluto ng dating Agriculture Undersecretary na si Jocelyn “Jocjoc” Bolante, isa lang yata ang napawalang-sala dahil lang sa teknikalidad, the rest ‘guilty’.

At ito ngang inaabangan ngayon ng mga taga-Romblon, ang kaso kay Madrona, na nasuspindi ng 90 days noong 2019 nang simulan ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kaso, matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanyang ‘motion to quash the information and dismiss the case’.

Si Madrona ay namamayagpag parin ngayon sa politika simula nang makasuhan dito sa ‘fertilizer fund scam’.

Sandiganbayan 6th Division, hello!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More