Advertisers
NAPAKALAKAS, napakamadamdaming mensahe.
“Ang pangarap nyo ay pangarap ko.”
Ito ang buod ng mensaheng itinanim sa ating mamamayan sa panunumpa ni Ferdinand Romualdez ‘Bongbong ‘ Marcos Jr. eksaktong alas 12 ng tanghaling tapat bilang ika-17 pangulo ng ating Republika, noong Hunyo 30, 2022.
Sinunod ang tradisyon sa panunumpa, sa wikang Pilipino binigkas ni PBBM ang pangakong tutuparin at ipagtatanggol ang bansa, at maglilingkod nang matapat sa mamamayang Pilipino na ating inaasahan na gagawin niya sa susunod na anim na taon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos Jr. na magiging punumpuno ng pagsubok at pagharap sa mabibigat na problema ng bansa ang haharapin ng kanyang administrasyon.
Aniya, siya ay kabalikat na lalakad sa pagtawid natin sa krisis ng ekonomya.
“We shall begin again, but better,” sabi ni PBBM, at ang watak-watak na bansa, kanyang bubuuin.
Handang-handa na siya, ssbi ni Bongbong, ba harapin ang kanyang trabaho.
“I am ready for the task. You will get no excuses from me.”
Hindi niya bibiguin ang basbas at pagtitiwala ng taumbayan sa pagtupad ng tungkuling ibangon at palakasin ang bansa sa makasaysayang pagbabalik sa Malakanyang ng kanyang kabataan sa mahigit na 20 taon panunungkulan ng amang si dating Pres. Ferdinand Edralin Marcos Sr.
Nagsalita na ang mamamayang Pilipino, diin niya, at ang tinig na iyon ay napakalakas na isang utos sa kanya, sabi ni Marcos Jr.
Tinanggap ng taumbayan ang tawag niya sa pagkakaisa, at ang pangarap ng pagkakaisa ay tunay na nagsasalamin ng hinaing, naisin, damdamin ng taumbayan.
“…it echoed your yearnings, mirrored your sentiments, and expressed your hopes for the family, for country, and for a better future.”
Totoo ngang nakaririndi ang sigaw ng taumbayang naghalal sa kanya, sabi ni PBBM na nagtamo ng di-pa-mapapantayang 31.6 milyong boto — na katumbas ng 59 porsiyentong dami ng Pilipinong botante na nagdeklarang nais nila, ang “anak ng pinatalsik na dating presidente” ay bigyang pagkakataon na maibalik ang Bagong Lipunang ibinandera ni FEM.
Ang inyong boto, sabi ni Marcos ay pagtatakwil sa politikang naghahati, nagwawatak-watak sa Pilipinas.
“By your vote, you rejected the politics of division.”
Kaya ang pangarap ko, ang pangako ni PBBM, sa kanyang pamumuno, malayong-malayo ang mararating ng Pilipinas.
Aniya, narinig niya ang sigaw ng bayan, at ang sigaw na iyon ay pagkakaisa, pagkakaisa, pagkakaisa.
Matiim ang bigkas niya sa pangako ng pagbalikwas at pagbabangon: “We will go farther together than against each other… the changes we seek will benefit all and will short-change no one.”
Hindi niya babalewalain ang pananagutang ibinigay sa kanya, sabi ni Marcos Jr.,: “The responsibility that you have put on my shoulders. I do not take it lughtly. I am ready for the task.”
Wala siyang hangad na balikan ang nakaraan na, sabi ni Marcos Jr. at ang nais niya, pag-,usapan ang kinabukasan, ang ibangon ang mamamayang Pilipino at tuparin ang kanyang mandato.
Isang maayos na kinabukasan na winasak ng krisis na dala ng pandemya at ng watak-watak na politika.
Ang pangako ng ating Pangulo: dadalhin niya tayo sa isang mas maalwang bansa na angkop sa bagong panahon.
Kung anoman ang nawala, kung anoman ang nawasak na nagawa ng pandemya, babawiin natin ito, pangako ni Marcos Jr.
“We shall be-again, by radical change, and recover what we have lost in that fire and move on from there.”
Buong-buo ang pagtitiwala niya sa mamamayang Pilipino na sasamahan siya sa pangarap ng pagbabago at gawing isang malakas, dakilang bansa ang Pilipinas.
Sa kamay ng mamamayang Pilipino, babangon ang Pilipinas!
Ang pananalig niya sa mamamayang Pilipino ay idiniin ni Marcos Jr. nang sabihing: “Now imagine what you and government can achieve together. We did it in the pandemic. We will do it again.”
Maikli ang talumpati sa kanyang inagurasyon pero ang pangako ni PBBM, ang kulang at hindi niya nasabi at mga gagawin ay ilalahad niya sa kanyang unang State of the Nation Address.
Sana, nais niya, iabot ng opisisyon ang kamay ng pakikipagkaisa at pakikipagtulungan.
Mapakinggan sana ang pakiusap ng ating Pangulo: “We shall seek, not scorn, dialogue; listen respectfully to contrary views. We are open ti suggestions coming from hard-thinking and unsparing judgment — but always from us, Filipinos.”
Bukas siya sa lahat ng tinig, ito man ay manggaling sa ayaw at inis sa kanya.
Ang mahalaga, kung magkaroon man ng pagtatalo, ng salungatan at di-pagkakaintindihan, ang nais niya ay laging tandaan: “Never forget, we are Filipinos, one nation, one republic — indivisible.”
Pagkain sa mesa ng pamilyang Pilipino ang uunahin niyang tutukan at makaaasa ang tagalikha ng pagkain ng malakas na suporta sa agrikultura, pangisdaan at paghahayupan.
Sapat at murang pagkain, ang pangarap ng bagong Pangulo.
Mahalaga ang sikmura at pawiin ang kalam ng tiyan, paniniwala ni PBBM, aniya: “Food is an existential imperative — and a moral one.”
Lilikha ang gobyerno niya ng paraan upang magkaroon tayo ng mapagkukuhanan ng sariling langis at enerhiya — na marami sa Pilipinas.
Tulad ng kanyang ama, tulad ni katatapos na panunungkulan ni Presidente Rodrigo Duterte, magpapatuloy ang “Build, Build, Build.”
Tatapusin niya ang inumpisahan ni Duterte, at tulad ng kanyang ama — si FEM –, mangyayari ang mas maraming magaganda at mahuhusay sa kalsada, bigas, pagkain, serbisyong makatao at maraming iba pa ang nanaisin niyang gawin sa loob ng anim na taon ng kanyang pamumuno.
“You will not be disappointed. So do not be afraid.”
Ang pangarap niya ay magiging pangarap din natin.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.