Advertisers

Advertisers

“PATONG” SA PETROL SMUGGLING AT PAIHI!

0 401

Advertisers

HINDI masusupil ang malaganap na operasyon ng petrol smuggling sa Batangas City Port at iba pang mga kanugnog na pantalan sa Batangas hangga’t may mga pulitiko, opisyales ng daungan, pulis at iba pang awtoridad na nagbibigay ng proteksyon sa sindikatong matagal na ring kumikilos sa naturang probinsya.

Maging ang operasyon ng burikian sa Batangas City at bayan ng San Jose sa lalawigan ng Batangas, Lucena City at Tiaong, parehong nasa Kanugnog na probinsya ng Quezon ay iniuulat na protektado din ng ilang korap na opisyales ng pulisya at iba pang law enforcing agency.

Maituturing na pananabotahe sa ekonomiya ng bansa ang operasyon ng petroleum smuggling, operasyon ng burikian, paihi, paawas at patulo lalo na sa harap ng patuloy na pagkalugmok sa kahirapan ng ating bansa dulot ng mahigit sa dalawang taong COVID 19 pandemic na kumitil na ng milyong mamamayan sa buong mundo.



Ngunit bakit nga ba kahit na putok ang mga pangalan ng mga smuggler na isang alias Mario Tan, lider ng tinataguriang “Binondo Group”, isang alias Dondon at isang alias Attorney ay hindi naman umaaksyon si PNP Region 4A PNP Director PBG Antonio Yarra laban sa naturang mga ilegalista?

Ang mga smuggled petroleum product na inilululan ng mga ocean-going vessel mula sa mga bansang Russia, Malaysia at China ay naipupuslit kada buwan sa Batangas City Pier na tinatanuran pa naman ng mga personnel ng tanggapan ng Bureau of Customs, Philippine Port Authority at PNP Maritime Command.



Maging ang headquarters ng Fifth Coastguard District at Batangas Coastguard Station ay nasa compound din ng daungan ng naturang lungsod na siya pa namang itinuturing na alternate port ng City of Manila.

Liban sa Batangas City Pier na matatagpuan sa Brgy. Sta Clara ng nasabing siyudad ay iniuulat din ng ating police insider na ginagawang unloading point ng petrol smuggler maging ang mga pribadong pantalan sa Brgy. Mainaga sa bayan ng Mabini at Brgy. Aplaya sa munisipalidad ng Bauan.



Kaya kahit na kasabwat pa ng mga smuggler ang ilang port official sa mga nabanggit na daungan ay imposible pa ring maiipuslit ng mga kontrabandista ang kanilang kargamentong smuggled petroleum at oil product mula sa mga pier zone pagkat napakaraming pinagdadaanan check point at police detachment mula sa mga naturang pier?

Maaaring may katotohahan nga ang ulat na nasusuhulan ang ilang politiko, port official, ilan ding mga hepe ng kapulisan at mga tauhan ng mga ito kung bakit hindi masusugpo ang grupo ng “Binondo Group”.

Nag-ooperate naman ang sindikato ng buriki,paihi, paawas at pasingaw ng petroleum at LPG product sa Brgy. Banay-Banay II sa loob ng garahe ng tanker at capsule truck ng isang trucking firm na inooperate ng isang alias Benjie.

Pinalilitaw ni alias Benjie na nasiraan ang pag-aari nitong mga tanker at capsule truck, kaya kailangang igarahe at marepair ang naging aberya ng mga ito. Kaya sa loob mismo ng kanilang garahe ay malayang nananakawan ng mga tauhan ni alias Benjie ang kanilang kargamentong petroleum product na nagmumula pa sa mga depot sa mga bayan ng Bauan, Mabini at Batangas City.

May burikian, paihian at pasingawan din sa compound ng ALS Terminal sa Diversion Road, Batangas City na di naman kalayuan sa headquarter ng Batangas City Police Office.

Palihim na pinapapasok sa garage compound ng ilang kakutsabang security guard ang mga tanker at capsule truck ng mga magnanakaw na tsuper na naglululan ng petroleum at liquefied petroleum gas (LPG) at doon ay binabawasan ang kanilang kargamento.

Wala namang kamalay-malay ang management ng ALS sa modus operandi ng kanilang ilang mga bantay-salakay na guwardiya?

Sa probinsya naman ng Quezon ay nasa Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City ang burikian ni alias Bobby bagama’t araw-araw na daanan ang naturang highway ng mga opisyales at tauhan ng Quezon Provincial Police at Lucena City Police Offices.

Ang isa pang santuaryo ng buriki ay nasa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong at ino-operate naman ng isang alias Bong.

Alam ng inyong lingkod na hindi kunsintidor ang new elected Tiaong Mayor RJ Mea sa mga ganitong uri ng ilegalista. Kaya naman tinatawagan natin siya pansin para agarang umaksyon laban kay alias Bong na kilala din na isang shabu pusher sa lalawigan ng Quezon.

Ngunit ayon sa ating police insider isang alias Idolog, Tata Boy at Harry ang lingguhang nangongolekta ng tong, lagay, suhol o intelhencia sa mga operator ng naturang pailigal sa Batangas at Quezon.

Ginagasgas ng tatlong kolektor ang pangalan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) offices sa Region 4A, Batangas at Quezon.

Maaaring “maputukan” maging si CIDG Region 4A Commander, P/Col. Marlon Santos at ilan nitong Provincial Officer kapag di nila inaksyunan ang naiuulat na “protection raket”. Baka makaabot pa ito sa kaalaman ni CIDG Director, PMaj.Gen. Eliseo DC Cruz?. May mga burikian din sa mga bayan ng Mariveles, Bataan, Pampanga, Tarlac at Bulacan.

Umuugong na balitang naghahatag ang mga kapitalista ng smuggler at paihian, pasingawan at burikian sa ilang mga hepe at matataas na opisyales ng kapulisan sa Batangas City, San Jose, sa Batangas Province, Lucena City at Tiaong sa lalawigan ng Quezon, at mga probinsya ng Bataan, Pampanga, Tarlac at Bulacan. May karugtong…

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.