Advertisers

Advertisers

Jo Berry tunay na “little princess” ng GMA

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KONTRABIDA si Jo Berry sa 5th anniversary offering ng Daig Kayo Ng Lola Ko at hindi raw ito ang unang beses na nag-kontrabida si Jo.
“Meron na din naman po dati na konti-konting kontrabida so dito po talaga na-establish na villain yung character ko, from the fairy tale book nga po na kilala ng mga bata.”
Hindi na halos napapahinga si Jo sa sunud-sunod na projects sa GMA at siya na nga ang tunay na “little princess” ng GMA.
“Wow! Thankful po, siyempre thankful ako kasi yung mga opportunity na binibigay sa akin ng GMA e tuluy-tuloy and lagi pong yung mga role ko is kapupulutan ng aral which is kung ano naman po yung gusto ko so very thankful po ako sa opportunity.”
Gumaganap si Jo Berry bilang si Rumplestiltskin sa Bida Kontrabida episode kasama sina Rufa Mae Quinto bilang Evil Queen, Andre Paras bilang Big Bad Wolf at Cai Cortez bilang Sea Witch.
Sa direksyon ni Rico Gutierrez, eere ang anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa loob ng apat na Linggo (July 10, 17, 24 at 31) alas siyete ng gabi sa GMA.
Bilang si Rumplestiltskin, ano ang papel ni Jo sa Bida Kontrabida?
“Ako po dito yung isa din sa mga kontrabida from the fairy tale book at ako po yung brain sa tatlong kontrabida na makikila ni Princess so ako po yung bossy dito,” natatawang umpisang kuwento ni Jo.
Ang Kapuso teen actress na si Lime Aranya ang gumaganap bilang Princess.
Pangatlong beses na ni Jo na maging guest sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
“And second po na anniversary special.”
Paborito siya ng GMA kapag anniversary ng DKNLK.
“Naku very special po sa akin yung daig kasi hindi pa po ako nag-a-artista pinapanood ko na and gusto ko po kasi ng mga role na gugustuhin ng mga kids, na papanoorin ng mga kids kasi mostly sa mga nagme-message sa akin mga kids.
“So yung mga roles po na ganito na fantasy, na magic-magic gusto ko kasi nga mapapanood ng mga kids which is sila yung nagme-message na nanoood sa akin.
“So kapag nagge-guest po ako sa Daig talagang special sa akin.”
Mas kilala si Jo sa mga role na mabait at inaapi, kaya kapag ganitong kontrabida ang papel niya nahihirapan ba siya?
“Hindi naman po kasi hindi siya talaga hardcore na kontrabida, e.
“Parang pa-cute lang, ipapakita lang dun na bossy siya, na iritable siya pero hindi talaga siya yung nang-aapi totally so hindi naman po ako nahirapan,” paliwanag pa ni Jo.
***
NAKAAANTIG ang fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado.
Kami mismo ay natunghayan namin sa mga balita at social media ang tungkol sa ama na nag-martsa sa mismong araw ng graduation ng kanyang anak na namatay ilang araw bago ang graduation nito.
Nag-viral ang video niya at marami ang naantig, naawa at naluha sa eksenang iyon.
Tunghayan ang kanyang tagos sa pusong kuwento ng pagmamahal sa Magpakailanman na pinamagatang “Ang Pagtatapos Ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story,” ngayong Sabado, 8:15 PM sa GMA!
Ang nakakaantig na kuwentong ito ay tatampukan nina Ricky Davao bilang Felipe Sanchez at Kristoffer Martin bilang Mark Sanchez.
Ang Magpakailanman ay hosted by Ms. Mel Tiangco.