Advertisers

Advertisers

Sarah at Matteo, pinahakot all you can sa grocery ang mga tauhan

0 239

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALANG pagsidlan ng tuwa ang male staff sa Laguna sa couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.
Binigyan kasi nila ng pagkakataon na makapag-grocery ang kanilang mga staff sa farm.
Ikinatuwa naman ni Matteo ay parang naka-program na pag-greet sa kanila tuwing umaga ang mamang hinila pa ni Matteo para ipakilala. Kaya nung mag-grocery ang mga ito ay walang ginawa ang mga staff kundi dampot nang dampot.
Kaya naman pinuno nang husto ng staff ang cart ng grocery items.
Masisipag naman kasi at napakaresponsable ang mga tauhan nina Sarah at Matteo.
Kaya nga biro ng netizens na iba pala matuwa ang couple, sky is the limit ang paggro-grocery ng staff.
Samantala, inanunsiyo naman ng Popstar na tuloy na ang pagbabalik ASAP nito kaya naman excited na ang fans sa comeback ni Sarah sa longest Sunday Noontime show ng Kapamilya.
***
Jaclyn Jose ayaw gayahin ang paninindak ng dating sikat na sexy star
NAIBAHAGI ni Jaclyn Jose ang premyadong aktres nang nagsisimula pa lang ito sa showbiz noong 1984.
As in, nakaranas daw ito ng paninindak sa dating sikat na sexy star noon bagito pa lang siya. May pangmamata at pagmamaliit na tingin pa anya ito mula ulo hanggang paa.
Kaya naman nung newbie ito ay talagang hinusayan nito as in pag sumalang na ito sa sexy scene ay talagang take one.
Kaya naman may payo ito sa mga baguhan na mga nag-i-star pa lang at sa sexy department napunta.
Ibigay na nga raw ang best at huwag nang gawin pang take 2, 3, 4 or 5 dahil tiyak nga raw na kung panahon nya at naabutan nito ang dating sikat na sexy star ay baka matakot at manginig.
Para kay Jaclyn na never naman niya gagawin ang paninindak ng dating sikat na sexy star sa mga newcomer.
Well, well, well…’Yun na!