Advertisers

Advertisers

Bebot todas sa baha

0 382

Advertisers

Patay ang isang babae nang anurin ng baha sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Sabado ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nasawi ang biktima habang sinusugod sa Quezon City General Hospital.

Batay sa police report ng QC Police District (QCPD), Talipapa Police Station 3, 12:05 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang dispatcher na si Jeffrey Fariñas ang biktima habang nakahandusay sa Pasong Tamo Bridge 3 sa Mindanao Avenue.



Katuwang ng mga tauhan ng barangay, naisugod ang babae sa ospital kung saan siya idineklarang patay 12:45 ng umaga.

Inaalam pa ng QCPD ang pagkakakilanlan ng biktima at iimbestigahan na rin kung paano inanod ang kanyang katawan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">