Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa engkwentro

0 323

Advertisers

Patay ang isang pulis sa engkwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gandara, Samar nitong Sabado.

Ayon sa PNP Eastern Visayas, nakilala ang biktima na si Patrolman Mark Monge, kasapi ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Sa ulat, nangyari ang bakbakan sa boundary ng Brgy. San Nicolas, San Jose de Buan at Brgy. Mabuhay 9:00 ng umaga.



Sa report, nagsasagawa ang grupo ng mga pulis ng humanitarian activity sa lugar nang bigla na lang silang paputukan ng may 10 mga NPA.

Umabot ng limang minuto ang engkwentro.



Tinamaan ng bala si Monge na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kinokondena ng Police Regional Office 8 ang insidente.



Patuloy na tinutugis ng pulisya ang nakasagupang mga rebelde.