Advertisers
Inatake ang 18 anyos na turistang Pilipino mula sa Cebu na bumibisita sa Manhattan, New York.
Ayon sa Philippine Consulate General sa New York, naglalakad ang biktima kasama ang tatlo pang Pilipino malapit sa kanto ng 6th Avenue at 46th Street nang mangyari ang pananakit.
Nagtamo ng pambubugbog at ilang sugat sa mukha ang biktima.
Samantala, sinabi ng Consulate General na agad namang itinurn-over sa mga awtoridad ang suspek.
“This is the 41st incident since last year that involves a Filipino who was either a victim of a hate crime or incident or a criminal act,” pahayag ng Consulate General sa isang advisory.
Dahil sa insidente, pinaalalahanan ang mga Pinoy na bibisita sa New York na mag-ingat habang nasa lansangan o sa mga subway.
Napag-alaman na ayon sa konsulada, ito na ang ika-41 insidente sa New York na isang Pinoy na nabiktima ng krimen sa lugar kaya’t nakikipag-ugnayan na sila sa para alamin kung maituturing itong kaso ng hate crime.