Advertisers
SWAK sa kulungan ang dalawang babae kabilang ang isang tomboy nang mahulihan ng isang (1) gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800 sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District station 1 Laloma.
Kinilala ang mga suspek na sina Luzviminda Embang, alyas Neneng Tomboy, at Angelita Gabatang alyas Angel ng Don Pepe Street, Barangay Sto Domingo, QC.
Sa ulat, pagbilhan ng shabu ang police under cover agent na nagkakahalaga ng P300.00 ala 1:30 ng madaling araw nito Biyernes, July 22.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dakmain nina PSSg. Elmer Villegas at PCpl. Rovickson Daguro ng Laloma police Station Drug Enforcement Unit (SDEU). (Boy Celario)