Advertisers

Advertisers

Cavitex Brace for Traffic Increase as School Reopens

0 346

Advertisers

Nakahanda na ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) sa inaasahang pagtaas ng traffic volume sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) dahil sa pagbabalik ekswela ng mga estudyante simula Agosto, at full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Tinatayang tataas ng 5% hanggang 10% ang bilang ng mga sasakyan na tatahak sa 14-kilometer expressway papunta sa iba’t ibang paaralan at unibersidad sa Metro Manila. Sa ngayon, nasa 150,000 na ang naitatalang average daily traffic ng CIC.

Para mapanatiling maayos ang daloy ng mga sasakyan, binubuksan ng CAVITEX ang counterflow lanes para sa Manila bound Class 1 vehicles (sa harap ng Waste Transfer Facility at pagkaraan ng Paranaque Toll Plaza) at Cavite bound Class 1 vehicles (sa harap ng PITX at pagkaraan ng Paranaque Toll Plaza) tuwing rush hour sa umaga o hapon, o kung kinakailangan.



Bukod sa on-ground traffic management, patuloy rin ang pagpapaalala ng CIC sa mga motorista na kumuha na ng libreng Easytrip RFID para maiwasan ang mahabang pila sa mga cash lanes. Maaaring pumunta sa CAVITEX Customer Service Centers (Manila at Cavite bound) at iba pang Easytrip stations sa kahabaan ng expressway para magpakabit ng RFID at mag reload.

Hinihikayat rin ng CIC ang paggamit sa bago nitong mobile app na MPT Drive Hub na maaaring maidownload sa iOS at Android devices.



“Ang MPT DriveHub app ay binuo upang mapaganda pa ang customer experience ng mga motorista. Bukod sa maari nilang mamonitor ang kanilang Easytrip load balance at passages, maaari rin silang makakuha dito ng mga traffic updates na makatutulong sa pagpaplano ng kanilang biyahe. Maaari rin silang mag request ng emergency roadside assistance gamit ang bagong app,” ani CIC President at General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.
/
Pinaalalahanan rin ng CIC ang mga motorista na i-check ang BLOWBAGETS, o ang Battery, Lights, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Engine, Tire, at Self, bago bumiyahe.

“Importante para sa aming mga expressway users ang pagsiguro sa roadworthiness ng kanilang mga sasakyan para maiwasan ang vehicular breakdown at maging sanhi ng abala sa kanila. Bago bumiyahe, i-check ang BLOWBAGETS at siguraduhin ding may sapat na balanse ang kanilang RFID bago dumaan sa RFID lanes para sa mas mabilis na biyahe,” ani CIC Vice President for Operations Management, Ms. Ella A. Francisco.



Ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).
Ang MPTC ay ang pinakamalaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CAVITEX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.