Advertisers

Advertisers

Ex-bgy. kapitana timbog sa murder, dawit din sa droga

0 248

Advertisers

ARESTADO ang isang dating barangay chairwoman na sangkot sa pagpatay sa bayan ng Saguiran sa Lanao del Sur.

Kinilala ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest na si Rowaida Macarao Alawi, 50 anyos.

Sa ulat, isinilbi ang warrant of arrest kay Alawi nitong Biyernes, August 12, sa Barangay Lumbayanague, Saguiran.



Si Alawi, dating three-term chairwoman ng Barangay Lumbayanague, ay may kinakaharap na kasong pagkakasangkot sa murder sa isang korte sa Marawi City.

Ayon kay Colonel Jibin Bongcayao, direktor ng Lanao del Sur PNP, magkatuwang na isinagawa ang pag-aresto kay Alawi ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group at mga sundalong ng Philippine Army.



Sinabi pa ni Col. Bongcayao na pinagduduhan din si Alawi ng pulisya at maraming nakakakilala sa kanya na sangkot din ito sa kalakaran ng iligal na droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">