Advertisers
NATAGPUAN na sa Rosario, Cavite ang batang nawawala sa Trece Martires nang yayain maglaro ng videogame ng kaklase.
Ayon sa magulang ng bata, umaga nang matagpuan ang kanyang anak at marumi ang damit.
Isinalaysay ng magulang na sa kubo natulog ang kanilang anak.
Niyaya raw maglaro ng videogame ang kanilang anak nang ikansela ang mga klase. Ipinagpapasalamat nilang ligtas ito at hindi nasaktan.
Pinagsabihan narin nila ang anak at mas hihigpitan pa ang pagbabantay upang hindi na maulit.