Advertisers

Advertisers

Lalaki, kinatay ng ex-bf ng ka-live in

0 191

Advertisers

PATAY sa saksak ang isang lalaki ng dating nobyo ng babaeng kinakasama nito sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si John Cyrus Buenafe, 22 anyos; habang ang salarin ay kinilalang si Eyrie Elgie Jacobe.

Sa ulat, nangyari ang krimen sa Barangay 183, Gagalangin, Tondo, Miyerkules ng umaga.



Natutulog ang biktima katabi ang isang babae nang pumasok si Jacobe, ang dating kinakasama ng babaeng katabi ng biktima sa pagtulog.

Nagalit daw si Jacobe nang makitang may katabing lalaki ang dating nobya. At inundayan nito ng saksak ang biktima na nagtamo ng 14 saksak sa katawan.

Naisugod pa sa ospital si Buenafe pero namatay din kalaunan.

Itinganggi ni Jacobe na hiwalay na sila ng girlfriend niya. Kaya nagdilim aniya ang kanyang paningin nang makitang may katabing lalaki ang nobya.

Mahaharap sa kasong Murder si Jacobe.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More