Advertisers

Advertisers

Mga ‘international syndicate’ sangkot sa phishing at text scams – DICT

0 154

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Information Communication and Technlogy (DICT) na ang talamak na text spam at phishing ay mula sa mga international syndicates.

Humiling naman ng executive session ang DICT sa Kamara upang ireport ang initial findings ng kanilang imbestigasyon sa nagkalat na text scam sa bansa.

Sa isinasagawang budget hearing ng Committee on Appropriations natalakay ang massive text scam na natatanggap ng publiko.



Sinabi ni DICT Sec Ivan John Uy, maging siya ay nakakatanggap ng text messages.

Ayon sa kalihim, nais nilang ipaalam sa mga kongresista na kriminal na sindikato ang nasa likod na naturang phishing activities.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon kailangan ang strategic action upang masawata ang ganitong illegal na aktibidad dahil hindi lamang mga pinoy ang sangkot bagkus mga international syndicates.

Umaasa si Uy na unti-unti nilang mareresolba ang problema sa text scam sa tulong ng mga mambabatas.

Matatandaang pagkaupo ng kalihim sa pwesto ay agad ito lumikha ng task force para labanan ang text scams at illegal websites.

Samantala, inatasan naman ang mga mambabatas na agad na magtatag ng hotline ang upang agad na makapag sumbong ang publiko na nabibiktima o nakakatanggap ng mga text scam.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More