Advertisers
KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatakda muling buksan ngayong linggo ang 56 pang ruta ng mga Public Utility Vehicles (PUVs).
Alinsunod na rin ito sa hiling ng mga commuter at PUV operator.
Ayon kay LTFRB Chairperson, Atty. Cheloy Garafil, inihahanda na ang pagbubukas ng mga nasabing pre-pandemic route.
Noon lamang Agosto, 133 ruta ng mga PUV ang binuksan ng ahensya kasabay ng pagbabalik sa face-to-face classes ng mga estudyante.
Sa kabuuan, nasa 90% na ng PUV routes, na isinara sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, ang muling binuksan ng LTFRB.