Advertisers
Nagrehistro ng 6.5 percent na paglago sa ekonomiya ang bansa sa unang mga buwan ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marocs Jr.
Ito ay sang-ayon sa ulat ng Asian Development Bank.
Ang tanong, ramdam ba ito ng mga mamamayan partikular na yaong nasa kategorya ng tinaguriang “poorest of the poor”?
Ayon sa report ng ADB,pinanatili nito (ADB) ang kanilang growth forecast sa Pilipinas ngayong taon lalo na ang gross domestic product (GDP) sa 6.5%
Tinukoy ng ADB ang umano’y malakas na rebound sa domestic demand kung saan patuloy na nagbubukas na ang ekonomiya sa kabila ng pagtaas din ng inflation rate.
Sa Asian Development Outlook (ADO) 2022 Update report ang kanilang forecast ay mababa naman doon sa target ng gobyerno ng Pilipinas na maaring umabot ng hanggang 7.5%.
Naniniwala naman si ADB Philippines Country Director Kelly Bird, na magpapautloy ang pagrekober ng Pilipinas sa larangan ng turismo at pagpasok ng mga private investments, at pagpapalakas sa public spending sa malalaking infrastructure projects at remittances mula sa overseas Filipinos ay makakatulong ng husto sa economic recovery ngayong taon.
Aniya, ang target na 6.5% na pag-angat sa ekonomiya ay inaasahang magiging fastest-growing economy ang bansa sa buong Southeast Asia ngayong taon, kasama na ang Vietnam.
Bukod pa ito sa naiuwing “investment pledges” ng Pangulong BBM mula sa kanyang recent official trip sa bansang America.
Para sa atin, napaka-importante at napaka-laki ang nagging tulong ng personal na pagkikita at pag-uusap ni Pangulong Marcos Jr. at US President Joe Biden.
Kung baga sa isang longtime buddy, na-renew ng Pilipinas at America ang kanilang matagal nang pagkakaibigan na nagkaroon ng patlang o distansiya makaraan ang naging malapit na relasyon ni former President Rodrigo Duterte sa Tsina at sa lider nitong si Xi Jinping.
Nagbitaw din ng tila maaanghang na pananalita si former President Duterte laban sa foreign policies ng Biden administration.
Kilalang malapit na kaibigan kasi ni Duterte si former US President Donald Trump na tinalo naman ni Biden sa huling US elections.
Ang pulong na naganap sa pagitan ni President Biden at PBBM ay isang malinaw na indikasyon at paniniyak ng Estados Unidos ng pagsuporta at pagkakaloob ng tulong sa pagbuhay ng lugmok na ekonomiya ng Pilipinas.
Ano man ang ibatong puna o pagtuligsa ng mga kritiko ng administrasyong Marcos Jr., hindi makakaila na isang malaking tagumpay ang naging pagbisita ni PBBM sa US panabay ng pag-attend nito sa United Nations General Assembly (UNGA).
Ika nga, malaking blessing ito sa mga mamamayang Pilipino at ng bansa dahil muling nabuksan ang pinto ng pagkakaibigan ng bansang America at ng numero unong kaalyado nito sa Southeast Asia.
Anu’t ano man, malaking kapakinabangan ang dulot nito hindi lamang sa ekonomiya ng Pilipinas kundi sa iba pang aspeto ng foreign relations.
Cheers and congrats sa Pangulong Bongbong Marcos na hindi lamang hinangaan ng iba pang lider ng mga bansa kundi ikinumpara sa kanyang yumaong ama na si former President Ferdinand Marcos Sr.na isang magaling at matalinong lider sa buong Asya .
Malaking factor din po ang magandang nagging pagtanggapa ng liderato ni US President Biden sa delegasyon ng bansa sa pangunguna nga ni Pangulong BBM dahil hudyat ito ng naibalik na tiwala sa Pilipinas ng mga foreign investors at international credit firms.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com