Advertisers

Advertisers

Senado nanindigan may “K” ang Kongreso sa pag-postpone sa Bgy. at SK elections

0 199

Advertisers

NANINDIGAN ang Senado na may kapangyarihan sila na magtakda ng petsa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) alinsunod sa 1987 Constitution.

Ito ang reaksyon nina Senators Imee Marcos at Jinggoy Estrada kasunod ng pagdulog sa Korte Suprema ng beteranong election lawyer na si Romulo Macalintal upang kuwestyunin ang legalidad ng bagong batas na magpapaliban sa 2022 BSKE.

Ayon kay Marcos, nakabase sa konstitusyon ang kapangyarihang tukuyin ng Kongreso ang termino ng barangay officials kaya ang Kongreso rin aniya ang maaaring magsabi kung kailan dapat gawin ang BSKE.



“Not knowing anything about the case and working merely on general knowledge, it is the Constitution that vests in Congress the power to determine the terms of barangay officials,” pahayag ni Marcos, chairman ng Senate Electoral Reforms and People’s Participation.

“Necessarily, it is Congress which can determine when barangay and SK elections shall be held,” giit pa ni Marcos.

Sa panig naman ni Estrada, isa sa may-akda ng batas, nagpahayag na bahagi ng kapangyarihan ng Kongreso ang pagpapaliban ng 2022 BSKE alinsunod sa konstitusyon.

Bilang patunay tatlong beses na umanong ipinagpaliban ng Kongreso ang BSKE.

Samantala, inihayag din ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi maaaring ituloy ng Comelec ang halalan maliban na lamang kung maglabas ng injunction ang Supreme Court laban sa batas na nagpapaliban sa nasabing eleksyon.



“Unless the SC issues an injunction against the law postponing B&SK elections, the COMELEC cannot proceed with the elections,” paliwanag ni Escudero.

Nabatid na base sa batas sa halip na Disyembre 5, 2022, gagawin na lamang ang eleksyon sa huling Lunes ng Oktubre ng susunod na taon. (Mylene Alfonso)