Advertisers
NASAWI ang isang opisyal ng pulisya nang tambangan sa tapat ng isang hardware at construction supply sa bahagi ng Barangay Libertad, Abulug, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Major Rafael Tangonan, nakatalaga sa finance unit ng PR02, at residente ng Ballesteros, Cagayan.
Sa ulat, 8:00 ng gabi, isang concerned citizen ang nag-report sa himpilan ng pulisya na may pamamaril na naganap sa naturang lugar.
Sa pagresponde ng pulisya, nadatnan sa scene of the crime ang isang kulay puting sasakyan na Toyota Hilux (ACA 2286) na tadtad ng tama ng bala ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.
Sa loob ng sasakyan ang biktima na wala nang buhay at maraming tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa nakuhang impormasyon ng pulisya mula sa ilang saksi, ang mga salarin ay nakasakay sa kulay brown na Toyota Innova.
Nagpapatuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operations at imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
(REY VELASCO)