Advertisers

Advertisers

KATOTOHANAN AT KAPAYAPAAN SA 2026

0 74

Advertisers

BAGONG taon, bagong pag-asa, yan ang lagi nating asam, at sana ngayong 2026, masamahan ito ng katotohanan at kapayapaan.

Katotohanan sa mga bumulaga sa ating mga iskandalo ng pangdarambong na mismong si Pangulong Bong Bong Marcos pa ang nagsiwalat.

Kapayapaan, para sa bansa at sa mga lugar na dating kinukubakob ng kaguluhang dulot ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang hangad nga ng ating kaibigang Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Usec. Ernesto C. Torres Jr., “sa 2026, tuloy ang laban para sa katotohanan, kapayapaan, kaunlaran, at dignidad ng bawat Pilipino.”

Sama-sama nating harapin ang hamon upang lumabas ang katotohanan. Sama-sama rin nating isulong ang kapayapaan para sa atin at ating bayan ay magbigay daan ang kaunlaran.

Ang kapayapaan, ayon kay Usec. Torres ay pang-araw-araw na responsibilidad na dapat ay dala ng bawat Filipino, na kailangang ipinaglalaban, pinalalakas at pinag-iibayo. Sa ganitong paraan mawawalan ng puwang ang natitirang mga miyembro bg CPP-NPA-NDF na maghasik ng kaguluhan.

Ito ang galawang ipinakita ng NTF-ELCAC sa mga nagdaang taon, kaya napaunti ang bilang ng mga nagrerebelde na lagpas limang-dekada nang nanggugulo sa ating bayan, napag-iwanan ang malalayong lugar dahil sa kaguluhang dulot na mga komunistang-terorista.

Sa pagpasok ng 2026, inihayag ng NTF-ELCAC na patuloy nitong gagawin ang mandato na tulungan ang mga nasa liblib na pook na dati’y pinipeste ng CPP-NPA-NDF. Protektahan ang mga ito, at latagan ng kaukulang tulong upang makaranas naman ng kaginhawahan.

“Lasting peace and genuine development are possible, but they are never automatic,” sabi nga ni Torres. Makamtan man ito, kailangang namang panatilihin ang kapayapaan para magtuloy-tuloy na din ang kaunlaran.

Sa parte naman ng katotohanan, kailangang malaman ng bayan sino ang pasimuno ng pangdarambong at ikulong sng sinomang sangkot dito, nang di na pamarisan.

“Kailangan nating ipagpatuloy ang pagtindig para sa katotohanan,” ang sabi nga ni Torres.